Chapter 48-In sickness and in health?

Start from the beginning
                                    

Alam niya bang andito ako? Sinabi kaya ni Martin? Or busy lang siya kay Ellaine?

Si Sheena! Oh no. Kinuha na kaya siya ni Andrei?!

"Hey, saan ka pupunta?!"-Martin.

"Si Sheena! walang kasama sa bahay, uwi na ako" hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na ako ng hospital at pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay namin.

Ilang sandali lang nakarating na ako sa bahay.

"Sheena!? Sheena!!" ang bigat ng pakiramdam ko pero pinilit kong umakyat sa kwarto ni Andrei kasi dun natutulog si Sheena .. 

Pagkabukas ko ng pintuan laking gulat ko ng makita ko si Sheena habang buhat ni Ellaine.

Napatingin sila sa aking dalawa.

"Clarence."-Ellaine. Si Sheena naman yumakap ng mahigpit kay Ellaine. 

"Sheena" lalapit sana ako ng biglang magsalita si Andrei mula sa likuran ko.

"Ellaine, dalhin mo na sa kotse si Sheena, honey be good to Tita Ellaine okay?" gumilid ako para may daanan sila Ellaine at Sheena.

"Thank you for leaving Sheena alone" seryosong sabi ni Andrei.

"Andrei hindi ko iniwan si Sheena, believe me"-Andrei.

"Kung hindi mo siya iniwan bakit mag-isa lang siya nung pinuntahan ko siya dito? Asan ka ha? Wag mong idamay ang bata sa away nating dalawa. Sheena told me na sinigawan mo siya dahil lang sa trash na ginawa ni Martin!"-Andrei.

"I admit! Nagalit ako kasi pinakealaman niya yung gamit ko yun lang! At anong dinadamay? Come on Andrei bata siya kaya bakit ko siya idadamay? Trash? Hindi yun basura okay?"-Ako.

"Oo nga pala, importanteng bagay sayo yun kasi si MARTIN ang nagbigay nun."-Andrei.

"Pwede ba Andrei let me explain! Please" huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Go"-Andrei. 

Eto na Clarence.

"I admit, di lang nung nawala ka may special akong naramdaman kay Martin. Even before na maaksidente ka, It came to a point na sabihin ko sa kaniya ang totoo kong nararamdaman but galit siya sa akin ng oras na yun. Siya kasi yung laging andun para sa akin, lalo na sa mga panahong magulo ang lahat. At nung nawala ka, mas inalagaan niya ako, he never left me. He's always there hindi para agawin ako sayo kundi para iparamdam na may karamay ako sa mga panahong wala na akong ibang matakbuhan. Galit ako sa kaniya dahil sa nangyari sayo but he tried his best para magkaayos kami. And that trash na sinasabi mo? That was his graduation gift para daw hindi na ako masyadong mangulila sayo. He knows how hurt I am during that time." buti nasabi ko pa yan ng maayos dahil iyak na ako ng iyak.

Si Andrei? Nakatingin lang sa akin and hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Where stories live. Discover now