"Bahala ka. basta ba ilibre mo ako ng pamasahe."

"Yun lang?" Mayabang na tanong nito. "Gusto mo hindi lang pamasahe eh, basta ba pumayag ka lang na mamasyal tayo."

Tinaasan niya ito ng kilay. aba! mukhang may balak pa ata itong si badong na yayain siyang makipag date. Iba din ang diskarte nito eh. Kaya siguro maraming naiuuwi ito sa bahay dahil mabilisan kung kumilos. parang kailan lang naman sila pormal na nagkakilala.

"My treat." Pahabol pa nito.

Biglang napantig ang taenga niya sa sinabi nito.

Treat niya naman pala eh. tatanggi pa ba ako?

"Sige na nga."

***

"Pasensya ka na talaga Jamie ha?" Ulit ni badong nang hindi siya umiimik at deretso lang ang lakad. "Uyy."

Inis na tinignan niya ito. "Bakit naman kasi magyayaya kang kumaen na kulang naman pala ang pera mo. ayan tuloy napagastos ako ng wala sa oras."

Kung minamalas nga naman kasi na magyaya ito sa isang kainan na may kamahalan pala at dalawang daan lang ang laman ng bulsa. Sa sobrang kumpyansa niya na sagot lahat ni badong ang kakainin ay napasobra ang kain niya kaya umabot sa six hundred ang bill nila. At dahil nga kulang pala ang dala nito ay siya ang nagbayad ng wala sa oras. pati pamasahe nito pauwi ay siya na din ang nagbayad. Naubos tuloy ang pera niya na pambili sana ng gluta.

"Sorry talaga. Akala ko kasi mura lang doon eh. Babawi ako next time, Promise."

Next time? ibig sabihin may balak pa itong yayain siya next time?

Kung tutuusin parang date na nga ang ginawa nila kanina kaso palpak lang eh. Kung di ba naman dukha itong si badong ay dream date na sana niya ang nangyari.

Kaso malakas talaga! Nakakainis! wala na siyang pera.

"Galit ka ba?" Maamong tanong nito ng nasa tapat na sila ng pinto ng mga bahay nila.

"Tingin mo?" Mataray na sagot niya kahit ang totoo ay naaakit siya sa maamong mukha nito.

kung sigurong ibang babae lang siya ay magkukusa pa siyang pagkagastusan ang gwapong nilalang na nasa kanyang harapan. Kaso siya si Jamie De vera, isang mahirap na nilalang na naghihintay makabingwit ng grasya at hindi papatol sa dukhang kagaya ni badong.

Nagkamot ito ng batok. "Sorry talaga, promise next time ako na lahat gagastos."

"Wala nang next time."

Tila nabigla ito sa sagot niya. "You mean, hindi ka na ulit papayag na lumabas tayo?"

"Ewan ko. Tsaka kasi, bakit mo ba ako gustong yayain ulit?"

"Eh kasi..." nahihiyang nag-iwas ito ng tingin. Mahiyain talaga itong si badong. "G-gusto kasi kita."

Pakiramdam niya ay tila bumilis ang tibok ng puso niya sa ginawa nitong pag-amin. Gusto siya nito? Ang bilis ata. Sabagay, sino ba naman ang hindi mabibighani sa taglay niyang ganda? Hindi na nakakapagtakang magustuhan agad siya nito.

Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kilig... pero dapat pigilan.

"Badong, kakakilala pa lang natin gusto mo na ako agad?"

"Iba ka kasi eh."

"Iba? Iba sa mga babaeng dinadala mo sa bahay mo?" Hindi niya mapigilang mainis dito ng maalala ang bagay na iyon. marahil ay balak din nitong gawin sa kanya ang mga ginagawa nito sa bawat babaeng dinadala.

"H-huh?" Naubo ito bigla. "Yun ba? Ah eh, ano kasi---"

"Kung balak mo lang din naman akong ikama kagaya ng mga dinadala mo dito at alukin ng kasal, aba badong, wala kang mapapala sa akin." Walang prenong salita niya. Balak niya na sanang talikuran ito ng pigilan siya nito sa braso.

Nakaramdam siya ng kakaibang kuryente na dumaloy sa katawan na bunga ng paghawak nito sa kanya. Agad din namang nawala iyon ng bitawan siya ni badong.

"No, I mean..." napamura ito ng mahina. "Pasensya ka na talaga Jamie... totoo talagang gusto kita kahit na sandali pa lang kitang nakikilala alam kong iba ka sa kanila. tungkol nga pala sa mga babaeng dinadala ko dito, ano kasi eh... mahabang kwento, pero kung gusto mo ipapaliwanag ko."

Humalukipkip siya at hinayaan itong magsalita.

"Uhm... may sakit kasi ang lolo eh, kaya gusto niya mag-asawa na ako bago siya mamatay, kaya naman sa lalong madaling panahon ay kailangan makapangasawa na ako. Yun na lang daw ang huling hiling niya bago bawian ng buhay. kaya naman madami na akong inalok na pakasalan. " paliwanag nito.

"Kahit hindi mo mahal, papakasalan mo para sa lolo mo?" hindi makapaniwalang tanong niya. kakaiba naman pala itong si badong. pang teleserye ang buhay.

"Parang ganun na nga, pero kung makakahanap ako ng magugustuhan eh di mas maganda diba?"

Maganda nga ba? Tapos sinasabi nitong siya ang gusto nito at siya marahil ang nais ipakilala sa lolo nito? Aba!

"Kaya kung ok lang sayo Jamie, pwede ba kitang ligawan?"

***

A/N: papayag kaya si Jamie? Abangan! :)

A wall in-between [QS#2]Where stories live. Discover now