Chapter 41-Dream and ... hurt again

Magsimula sa umpisa
                                    

“Blindfold, wag ka ng magreklamo”-Martin. Wala pa nga akong sinasabi reklamo kaagad? Tumalikod na ako saka niya ako blinindfold.

“Wait.” Narinig kong bumakas at sumara yung pintuan sa side niya at bumukas naman yung sa side ko.

“Take my hand.” Sabi niya, dahil sa hindi ko makita siya na yung nag-abot sa kamay ko saka ako ginuide papalabas ng sasakyan.

“Wag mo kong bibitawan, yari ka saken” nakakapit ako ng mahigpit sa kamay niya.

“Bakit ko naman gagawin yun? Retard” sabay tulak ng mahina sa noo ko. naglakad na kami, grabe naman dito madamo!

Sandali lang din tumigil na siya sa paglalakad kaya pati ako tumigil na.

“Pwede mo ng  tanggalin” ginawa ko yung sinabi niya ..

“That day nung nagpakabasa ka sa ulan dahil sa pag-alis ni Andrei, sinundan kita. And that’s why I discovered this place, kausapin mo na siya”-Martin.

Kinausap ko si Mommy, yung feeling na parang nasa harap ko lang siya, nakatingin sa akin at nakikinig sa akin. Ganun yung feeling ko pag pumupunta ako dito. Ngumiti, umiyak at nagsumbong ako sa kaniya. buti na lang andito si Martin.

Nasa byahe na kami pauwi. Medyo inaantok na din ako kaya natulog muna ako sandali ..

“Andrei!” si Mahal!! Napahawak ako sa dibdib ko, masamang panaginip. Hinahabol ko pa yung paghinga ko. Nasa kwarto na pala ako, pasaway talaga si Martin, di pa ako ginising yan tuloy binuhat niya pa ako.

Nabalik na naman sa akin yung eksenang yun .. nung makita kong walang malay si Andrei sa kalsada at puno ng dugo. Hindi ko pa din makalimutan yun. Nasa may hagdanan pa lang ako ng may margining akong boses ..

“Salamat po Tito sa pag-alaga sa kaniya.” napahinto ako sa paglalakad ..

Pa-parang pamilyar ang boses na yun..

“No worries Andrei ang mahalaga, nakabalik ka na”

“A-andrei?” si Mahal?! Tumakbo ako pababa ng hagdan at muntik pa akong madapa hanggang sa makita ko si Tito Paolo, Marga at .. Andrei!

 

“She’s here na pala.” Sabi ni Tito Paolo. Lumingon sa akin si Andrei ..

“Andrei” ngumiti siya sa akin.

“Clarence” lumapit siya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit ..

“Di mo lang ba ako yayakapin? Di mo ba ako namiss?”-Andrei.

“To-too nga? Andito ka na? magaling ka na?” niyakap ko din siya ng napakahigpit.

“Bumalik ako para sayo” sa sinabi niyang yun umiyak na ako.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon