32

152 6 2
                                    

"Isang tikim lang, binibini..." Nandiri ako rito ng makita ko kung paano itong ngumisi at pasadahan ang katawan ko. Nakabistida ako at sa loob lang noon ay cycling ko. 


"Lumabas ka, kung ayaw mong ma-Rest in peace." 



Unti unti itong lumalapit sakin. Dahilan upang mapaatras ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, gayong kaya kong pabagsakin ito dahil lango ito sa alak. Hindi ko maiwasan na pandirihan ang itsura nito. Tantiya ko ay nasa trenta na ito mahigit.


"Isang tikim lang , ngunit pinagdadamot mo pa...
..halika na... Huwag mo ng hintayin na masaktan kapa." Humanap ako ng maaari kong gamitin upang ipalo rito.


Ngunit wala akong makita dahil sa kadiliman. Tumingin ako sa nakabukas na bintana at nakita doon na gabi na. Hindi ko alam na ang haba pala ng tinulog ko. Hindi man lang ako ginising nila ador.



Dumako ang mata ko sa backpack na banig na nasa taas ngayon ng kabinet. Pinag-iisipan kung tama ba na ang armas na nasa loob non ang gamitin ko. Pero hindi. Makakalikha iyon ng ingay at makakakuha ng atensyon. At ayoko naman na mangyari iyon dahil kakaibang armas iyon para sa kanila.



Lahat ng maari kong ibato dito ay binato ko. Ayokong lumapit dito at ayokong hawakan nito. Nakakadiri ang itsura nito.



"Umalis ka sa silid ko, may mga kasama ako na nasa kabila at kapag nakita ka nila dito, papatayin ka nila." Banta ko dito. Ngunit parang wala lang sa kanya ang sinabi ko at mahina pang tumawa. Konti na lang talaga ay mapipilitin kong kuhanin iyon, huwag lang talaga siyang magkakamali.



Papalapit na ito ng papalapit sakin. Nang makalapit mabilis ako nitong hinawakan sa dalawang braso. At pilit na nilalapit sa kaniya. Amoy na amoy ko ang baho ng hininga niya. Kita ko kung paano ang itsura nito. Nakakadiri!


"Tangina kang matanda ka!" Mura ko dito. Nilabanan ko ito at tinuhod ang ari upang makawala. Napabitaw ito at napahawak sa ari. At napamura ito sa sakit. Hindi na ako nag antay pa at lumabas. Tinungo ko ang silid nila faustino at kumatok. Nakailang katok na ako ngunit wala pa rin nagbubukas ng pinto. Pilit kong pinipihit ang seradura ngunit nakalocked.



"Punyeta! Bat ngayon pa." Inis na bulong ko at hinihingal na sumandal.


Ilang segundo lang ng hindi na ako nag-antay at bumaba. Maraming kumakain ng makababa ako at busy sa pag-uusap.


Napalingon sila sa matanda ng makita ang itsura nito, ngunit agad din nilang binawi ang tingin at bumalik sa pagkain at pag-uusap. Nakalabas na ang matanda sa silid ko, at base sa galaw ng ulo nito tiyak ko na ako ang hinahanap nito. Nang makita ako nito ay mabilis akong lumabas. Nakita ko pa muna na hahabulin ako nito kaya mabilis din ako tumakbo at hindi na alam ngayon kung saan pupunta. Pero napansin ko na tatlo na ang humahabol sakin ngayon na labis kong pinagtataka. Ngunit ang itsura nito na kanina lang ay parang bangag na bangag ngunit ngayon ay parang hindi ito totoong lasing, dahil sa paghabol nito sakin.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now