27

170 7 1
                                    

Napabuga nalang ako ng hangin sa ere habang hawak din nila ang braso ko. Iniisip ko palang ang pangalan ni zayus, kinakabahan na agad ako. 

Hindi ko alam kung anong mangyayari kung malaman niya na nadawit ako sa mga lalaking to.

Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako lumabas ng silid. Dami kasing arte may palabas labas pa.



Kasanalanan din naman ni zayus, mas pinapanigan niya si ciera Pshhh!  Bat di nalang silang dalawa ang magsama? Tutal naman bagay sila. 



'Totoo ba yan athena?' 


'Baka umiyak ka at kainin mo yan mga sinabi mo.'




Nababaliw na ata ako at nagtatalo pa ang isip ko dahil kay zayus. Nabalik ako sa ulirat ng makarating kami sa bakal na rehas. Ipinasok nila ako sa loob. At ang apat naman ay sa kaharap kong rehas. 



Napaupo ako sa malamig na sahig, at napasandal sa pader.


Para na naman bumalik sakin noon ang unang beses ko sa kulungan. 



"Wala ka naman bang balak magtino haa? Puro sakit sa ulo nalang parati ang binibigay mo sa amin ng mommy mo." Pumikit ako habang hinahayaan siyang sigawan ako sa loob ng kulungan. I know him, hindi siya titigil hanggat hindi nalalabas ang mga masasakit na salita na sasabihin niya sakin. 



"Our family is disgrace by your actions! Hindi kana bata! Hanggang kailan mo titigilan ang pakikipagbasag ulo ha? You're already twenty, but your attitude is like a kid!!! Sinisira mo ang pangalan ng ating pamilya!" Dinilat ko ang mata ko at sinalubong ang nagbabaga niyang mga mata habang, may bahid na paghabol ng hininga matapos magsalita. Katabi niya si mommy upang pakalmahin siya.



"Why dad? Bakit ako nalang din parati ang nakikita mo? Si kuya rin naman naging bulakbol nong highschool siya, pero hindi naman ganiyan ang naging galit niyo sa kaniya. If i know, wala naman talaga kayong pakialam sak---," 




"Athena lorraine! Watch your words! Hindi ka dapat sumasagot sa daddy mo ng ganiyan. Hindi kita pinalaki para lang bastusin mo ang ama mo." Napatingin naman ako kay mommy ng ito naman ang magsalita. Napayuko ako. Kapag buong pangalan ko na ang binabanggit niya, galit na siya. 




"Dito ka magpapalipas ngayon gabi, bukas ka namin susunduin ." Ramdam kong tumingin muna sila sakin bago umalis habang nakakulong mag isa sa loob ng presinto. 




Ang alaala na iyon ay walang pinagkaiba ngayon. Sakit pa rin ako sa ulo. Kung makakabalik kaya ako sa mundo ko, ano kayang mangyayare?



"Ilan sila?"


"Lima po sila, mahal na hari." 



Napalingon ako sa mga taong bumaba ngayon ng hagdan na alam kong papunta samin. Napatayo rin ang apat. Ilang sandali ng huminto sila sa tapat ng apat na lalaki. 


"Sabihin niyo sa akin ang inyong mga pangalan." Bumakas sa bata ang takot at nagtago sa likod ng isang lalaki. 



"Tonio po ang akin pangalan, kamahalan." Saad ng lalaki na nahuli kasama ng batang lalaki. Tumango ang hari at inantay naman ang tatlo na magpakilala. 

Switched SoulsWhere stories live. Discover now