28

143 7 0
                                    

Nang matapos maligo at mag-ayos, kasama ko ang dalawang tagapasilbe patungo sa hapag. Nagsiyukudan naman ang mga ibang tagapagsilbe ng makita nila ako. Ganun din ang ibang mga kawal. Nang makarating, nagbigay galang ako sa reyna at hari at inanyayahan akong umupo. 

Ngunit bago maupo, napadako ang mata ko kay linus, haring hamir at ang kaniyang asawa na nasa hapag rin habang mga nakatingin ito sakin. 


.

"Magandang umaga hija, kamusta naman ang iyong tulog?" Sarkastiko na saad ng hari sakin. Umupo muna ako bago sumagot. 

"Ayos naman." Wala galang na saad ko habang nakatingin sa mata niya. Bakas ang gulat sa mata nila ng pabalang ko itong sagutin.


"Walang modo... Nagmana ka talaga sa iyong magulang hija. Isang bastos." Nalipat naman ang tingin ko sa asawa ni haring hamir. Nanguuyam ang mga mata nito. 

"Ina, Nasa harap tayo ng hapagkainan, inanyayahan tayo rito upang kumain." Sabat naman ni linus na tipid akong nginitian na hindi ko nagawang masuklian. Mula kagabi hanggang sa paggising ko ay hindi na maganda ang umaga ko dahil sa anak nila. Ngayon naman ay ang mga bida-bidang magulang ni ciera.

"Kumain kana hija, kasabay natin ang iyong asawa. Nag ihaw lamang sila ng nahuling isda sa sapa." Nakangiting saad naman ng reyna sakin. Ayoko sanang ngumiti ngunit ayokong maging bastos sa mag asawang hari na karespe-respeto. Nginitian ko sila at tumango. Hahawakan ko palang sana ang kubyertos ng makita ko sila zayus at ciera na may dalang tray. 


"Oh ayan na pala. Hali na kayo, ilapag niyo na riyan, at magsimula na tayo." Pinanood ko ang bawat galaw nila. Nakangiting nilapag ni ciera ang dala, ganun din sila anya. Odessa, lihyan, zavier, ismael at damian. Nagsi-upo na ang mga ito. 


"Maganda umaga, prinsesa athena." Bati ni lihyan sakin. I hate her too, but siya lang ang taong kahit lagi kong tinatarayan ay nakukuha pa din akong batiin. Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sa nararamdamang selos kay ciera. Napakapit ng mahigpit ang hawak ko sa kutsara ng makita itong sandukan si zayus ng kanin. 

Hindi ko alam kung ako lang ba o nararamdaman nila ang tension. 

"Maganda ang pagkakaihaw niyo, malambot ang laman at lutong luto ang loob." Puri ng reyna sa kanila. Tahimik naman akong nakikinig. Habang pakiramdam ko ay mag isa lang ako. Dahil hindi ko maramdaman si zayus sa tabi ko kahit na magkatabi naman kaming dalawa. 


"Ang totoo ina, si prinsipe zayus at ang prinsesa ciera lamang ang nag-ihaw dahil hindi tumulong ang iba." Natawa naman sila sa biro ni anya dahilan upang mag-impilan ng tawanan ang hapagkainan. 


.

"Bakit hindi niyo ginising ang Prinsesa ng Zetteria, nang sa gayon ay nakasama niyo siya." Bida na naman ni haring hamir. Natigilan naman ang lahat at ramdam ko ang mga tingin nila sakin. Ngunit nagtuloy lang ako sa pagkain. 

"A-h Ama, nakalimutan po namin." 


"Hindi na kailangan, kamahalan. Nababatid kong hindi nahihiligan ni athena ang ganitong gawain." I hate you zayus!

Switched SoulsWhere stories live. Discover now