30

138 8 0
                                    

Athena's Pov



Today it was a tiring day, she can move freely here. Although free din naman siyang nakakalabas sa palasyo, Pero pinagbawalan siyang gumala mula ng sinugod ang palasyo. Now i can really say that im literally free. Walang lalaki na magbabawal sa kaniya na sa gusto niyang gawin. Wala yung masungit na mainitin ang ulo at parati na lang galit sa kaniya. Ang ilang linggong paglalakbay namin ay talagang kamuntikan ng magpalabas ng eyeballs ko. Hindi ko alam na hindi lang iilang araw ang gugugulin namin. Inabot kami ng tatlong linggo bago makarating sa destinasyon namin.



Ang masasabi ko lang ay nakakasira ng poise.  Mukhang nalusaw na yung ganda ko dahil sa init pero ayos lang. As long as na may masusuot ako at dala ko yung binigay na make-up sakin ni anya okay lang, at may paraan naman para hindi masunog ung balat ko at hindi magdry.



If natanong ko sa kanila agad kung ilang araw gugugulin hindi ako magugulat ng ganito. Feeling ko naubos na ung puwet ko dahil sa matagal na pagkakaupo sa kabayo. Kahit na humihinto naman kami at nagtatayo ng camp para makapagpahinga.



Kung ano anong kalamidad ang naranasan ko bago makarating ng Sarpentta. Naroon ang uhaw, gutom, pagod, puyat , inis at kung ano ano pa. But thankful ako dahil hindi ako hinayaan ng apat na magutom. Kung alam ko lang na ganoon katagal ang aabutin nag dala na sana ako ng maraming pagkain para lang may kainin kami. Naroon na huminto kami sa may malapit sa ilog at nagtayo ng camp. Nanghuli ng isda, naghanap ng puwedeng kainin upang hindi kami magutom sa daan. Ang tubig na ininom namin ay galing sa malalim na balon, na never kong nasubukan kung hindi noong araw din na iyon. Mabuti na lang malinaw at malinis ang tubig na manamis namis.



May kung anong sumibol sa puso ko ng makita kung paano sila magtulungan para makasurvived. Kaya una pa lang naramdaman ko na mabuti sila. Yun bang mas uunahin nila ang kapakanan ng isa bago ang sarili nila. Talagang masasabi mong team sila at may malasakit sa bawat isa. Although, ibat iba ang ugali nila, hindi nila iiwanan ang isat-isa, kumbaga sama sama sila sa lahat ng hirap.


Nilibot ko ang paningin ko mula sa mataas na bundok. Nasa Sarpentta na sila. Hindi niya mawari kung magtatagumpay ba sila sa gagawin nila. Sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang muka naman maayos ang lugar at hindi nakakatakot.Pero kahit ganoon hindi pa rin ako papakampante lalo na at ito ang usap usapan na narinig niya.


Sa mataas na bundok bumaba sila sa lugar na kung tawagin ay Basilan. Isa itong malaking bayan na tinitirhan ng mga kriminal ayon kila faustino. May tinatawag pa silang pinuno na kung tawagin ay Panginoon na hindi ko alam kung tao o diyos ba yan tinutukoy nila. Dala ang backpack na gawa sa banig ay maingat kaming nagtungo sa ibaba ng bundok.



"Maha--,"



"Tss, athena Faustino." Putol ko sa tatawag sakin ni faustino. Pinag-usapan na namin na hindi ako maaaring tawagin nila na prinsesa dahil baka may makarinig at hindi kami papasukin sa bayan ng Basilan. Napaikot ang mata ko sa kakulitan nila.



"Nais ko lang po ipaalam na, may ahas sa itaas ng iyong ulo. Ngunit huwag kang gagalaw." Para naman nanlamig ang katawan ko ng marinig ang sinabi ni faustino. Nakatapak ako ngayon sa ugat ng puno at nakahawak sa katawan nito.  Ramdam kong nagbubutil na ang pawis sa noo ko dahil sa kaba. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now