38

147 7 1
                                    

Nalipat ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa harap ko. Ito yung lalaking nabangga ko nung gabing hinahabol ako ng tatlong lalaki. Hindi ko alam kung bakit ako natigilan ng makita ko ulit ito. Hindi ko kasi ineexpect na ito ulit ang tutulong sakin.

Nang maitayo ko si gabgab hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ito.


Magsasalita na sana ako ng makita ko ang mga taong nagsiluhod. Kunot noong pinanood ko ang kilos nila. Nakaluhod ang mga ito at ang noo nila ay nakalapat sa lapag. Napansin ko rin na ganoon din si gabgab na nakaluhod na din na talagang kinatanga ko. Anyare? Hindi ko alam pero parang may ideyang pumapasok na sa isip ko..... Hindi kaya siya na iyong kinukuwento nila ador na Panginoon?


Siya ba iyon?


"Ayos ka lang?" Nabalik sa ulirat ang sistema ko ng marinig ulit ang boses nito. Nang lingunin ko ito, nakatingin na ito sakin na hinuna kong kanina pa pala ako pinapanood nito.


"U-hmmm, oo salamat nga pala." Ramdam ko ang pagkabara ng lalamunan ko. Wala naman kasi akong alam na sasabihin dito. Nahihiya ako sa inasal nung gabi na iyon. Kung alam ko lang na siya yung tinutukoy nila ador na panginoon, hindi ko na sana ginawa iyon. 'Shoccckkkssss nakakahiyaaaaaaaaa.'

Ano nalang ang iisipin nito na isa akong malanding babae? Na kung kumilos ay hindi angkop sa mga babaeng nandito. God athenaaaa! Pwede bang kainin nalang ako ng lupa?


"Hindi ko nais na ang mga kababaihan ay inyong gagawan ng kahalayan. Hindi ko pinahihintulutan ang sino man mangbastos ng inyong kapwa. Inyo bang naririnig ang aking hinayag?" Hindi ko maiwasan na mamangha rito ng mabakasan dito ang awtoridad sa boses nito. Kumpara kay zayus, seryoso at may hinahon ang boses nito. Pero kay zayus,malamig na seryoso at ramdam mo ang panganib na magdudulot ng kaba sa dibdib mo.

Pero ang pinagtaka ko kung bakit nagsasalita ito? Diba hindi siya nagsasalita? O mali lang ako ng pagjudge?...


Sumagot ang mga tao ng sabay sabay.
"Inyong siguraduhin, Aming Panginoon." The heck? Bat iba ang dating sakin? Feeling ko sinasamba na nila 'to... Ayokong mag-isip ng masama pero kasi sa mga nakikita ko para ganoon talaga yung nakikita ko eh.

"Ako'y humihingi ng tawad dahil sa kalapastangan na ginawa ng aking mga kinasasakupan. Inyo sanang tanggapin ang paghingi ko ng tawad, binibini." Napakaformal... Parang narinde yung tainga ko, hindi ko alam na may mas fo-formal pa pala sa mga nakakausap ko sa enperyo at sapiro.

"Ah wala iyon, hindi mo kasalanan Ginoo. Itong mga hayop na ito ang may kasalanan hindi naman ikaw, kaya hindi ko tatanggapin ang paghingi mo ng tawad sakin." Ngiti ko dito ng matapos kong tignan ang mga lalaking ngayon ay wala ng mga malay. Nang balik ko ang tingin sa lalaki ay nakangiti na rin ito. Nakita ko ang isang lalaki na kasama nito noong gabing iyon. Papalapit ito samin at may kasamang limang lalaki na sa tingin ko ay mga kawal.

"Panginoon, Ayos lang ba kayo?" Ani nito matapos utusan ang limang kawal na dalhin sa dugeon ang apat na lalaki na walang malay. Iwas naman ang mga tingin ng mga tao na ngayon ay nakatayo na pero nakayukod na ang mga ito.

Switched SoulsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum