4

283 22 0
                                    

"Ano yan?" Nang iintrigang sabat naman ng isa.

"Tinapay? Sa tingin mo ay magugustuhan yan ng inang emperatris?" Stupid! Cookies yan malamang magugustuhan nya yan.

Kahit gusto ng lumabas ng bitch mode ko hiyaan ko lang na tarayan nila ko.

"Pinipilit mo ang sarili mo para mapalapit sa inang emperatris? Patawa ka kelan man ay hindi ka nya nagustuhan." Comment ng isa katabi ng prinsipe. Lumipat ang tingin ko kay zayus.

Ngunit sa cookies lang ito nakatingin.

"Hayaan nyo na ang binibini athena." Tss. Pangiwi nalang ang naging tugon ko sa kanila dahil bakas sa mga mukha nila ang kaplastikan.

"Tikman nyo inang emperatris. Ginawa ko po ito."  Nakangiting saad ko nilagyan ko sya sa isang maliit na platito at maingat naman nyang kinuha yon. Kita naman ang gulat sa mga mukha nila. Tumaas naman ang kilay ko ng makita ang titig ng prinsipe sakin.

Tignan natin kung ganon padin ang magiging trato mo sakin.

Kumuha ako ng cookies at inilapit sa bibig ng prinsipe na syang dahilan ng pagkagulat nila.

"Ahh." Utos ko. Sinamaan nya ko ng tingin pero binaliwala ko yon.
Ngunit ilang segundo muna syang tumitig sa cookies bago nya isubo yon. Nakita ko ang pagbago ng reaksyon nya.

"Paano mo natutunan ito athena?" Umupo na ako ng magtanong ang emperatris. Kita kong mauubos nya ang nasa platito nya.

"Uhh tinuruan po ako ni ina. Inang emperatris." Kumunot ang noo nya habang tinitignan ang cookies.

"Ano ang pangalan nito? Isa ba itong tinapay na matigas?" Tumango ako at kumain ng isa. "Ang pangalan po ng matigas na tinapay na ito ay cookies."  Bakas naman ang inggit nila. At ng makitang wala ng laman ang bibig ng prinsipe sinubuan ko ulit sya. At tinanggal ang dungis sa gilid ng labi nya.

"Amos." Umigting ang panga nya dahil sa ginawa ko ngunit sinuklian ko lang sya ng isang matamis na ngiti.

"Maaari ko bang tikman ang gawa mo athena?" Napangiwi naman ako ng marinig ang boses ni siren. Pero dahil alam kong bilang lang ang ginawa ko. Nagkunware akong bibigyan sya. Tumango ako sa kanya at kukunin na sana nya ang huling cookies ng maunahan ko sya.
Nakita ko ang pagkapahiyaa sa mukha nya na hindi ko pinansin.

Inilapit ko sa bibig ni zayus ang cookies ng pigilan nya ako kinuha nya sa kamay ko 'to.at ibinigay kay siren. Inis ko syang tinignan at isang seryosong tingin naman ang binigay nya sakin.

Ang babae na si siren na mukhang sarap na sarap sa gawa ko. Ngumiti sya sa prinsipe at sinuklian naman ng lalaki yon.

"Igawa mo ulit ako nito athena nagustuhan ko ang cookies na ginawa mo." See? Told yea mag iiba ang ihip ng hangin.

Mabait naman pala ang inang emperatris kailangan lang ng konting amo katulad ng ginagawa ng mga ito. So Mahilig pala sya sa matatamis? Noted.

Sabi nga nila mahalin at respetuhin mo rin ang magulang ng lalaki kung gusto mong mas mahalin kapa ng lalaki.

"Sige po inang emperetris."

Nang hapon din na yon ay umalis na ang inang emperatris matapos ko syang gawa ng cookies. Nalaman kong may pupuntahan pa pala sya.






Switched SoulsWhere stories live. Discover now