8

244 23 5
                                    

Hindi ko alam na ganito pala kahabang oras ang lalakbayin namin para lang sa isang okasyon. Anim na oras na kaming nasa daan kasama ang limang kawal. Ngunit hindi pa rin kami nakakarating sa aming pupuntahan. Tss

Kung alam ko lang na ganito kahabang oras ang gugugulin namin, hindi na sana ako nagpapilit pa sumama. Tss.

Ibang-iba talaga to sa nakasanayan ko.

Walang ganang bumuntong hininga ako at pumikit para makaiglip. Ngunit ang isip ko ay naglakbay.

Kamusta na kaya sila mommy?
Si dad, si kuya?

I missed them, i missed their voice...

Makakabalik pa kaya ako samin?

At ang babaeng tinatawag ang pangalan ko nung araw na yon, nasan na sya?

Ano ang dahilan nya para dalhin ako sa mundo na 'to?

Hindi ko maintindihan, akala ko si siren na ang babaeng paulit ulit na tinatawag ang pangalan ko. Hindi naman pala.


Napadilat ang mga mata ko ng umigtad ang karwaheng sinasakyan ko. Sumilip ako sa maliit na bintana at nakita ang mga bako-bakong daan na tinatahak namin.

Ang kaninang mabilis na takbo ng kabayo ay naging mabagal.

Greattt tss...

Wala bang mas ibibilis to? Iritang irita nako dahil yung pwet ko kanina pa namamanhid tangina.

Inis ako lumingon kay zayus pero nakasakay ito sa kabayo at seryosong nakatingin sa daan. Ang magkasalungat kong kilay ay nagpantay ng makita ang prinsipe. Napakagwapo... Kaya siguro baliw na baliw ang totoong athena dahil hindi talaga mapapantayan ng kahit sino ang kagwapohan nya.

Kahit siguro sa mundo ko ay lahat ng girls ay maiinloved sa kanya.

naiimagine ko palang ang maging reaksyon nila razel at tricia napapangiti nako. Ang dalawang yon ay parang sinilihan yung pwet kapag nakakakita ng gwapo.

Napaayos ako ng upo ng makita si zayus na nakatingin sakin. Umiwas ako at mabilis na tinakpan ng kurtina ang bintana.

Nakita nya akong nakatingin sa kanya?

Shocks! Nakakahiya!!!

'Ngayon ka pa talaga nahiya ? Remember? Nagkiss na kayo.

Shit.

Ilang sandali pa ng mahinto kami sa isang malaki, malawak at matataas na tore.

"Lumabas kana, narito na tayo." Aniya ni zayus sa labas.

Bumaba ako ng hindi manlang inaalalayan ng prinsipe. Kausap nya muna ang isang lalaki na sa tingin ko ay kanan kamay nya dahil nakikita ko ito na lagi nyang kasama.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Maraming mga kawal ang nag babantay na sa tantya ko ay nasa libo?


Ang kanina dinaanan namin ay isang malawak at mataas na tulay. Sa magkabilang gilid nito ay mayroon falls. At mga matataas na puno. May mga nakatayo rin na mga bulaklak.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now