29

157 11 1
                                    

Tinungo ko ang kama at sinuot na ang backpack. Nang matapos ay lumabas na ako at sinarado ang pinto. Maglalakad na sana ako ng mapansin kong nakatalikod pa rin ang dalawa sakin. 


"Puro babae tayo dito, hindi nyo kailangan mahiya. Tara na, baka mainip sila kakaantay sakin, at kapag iniwan nila ako. Kayo ang sisihin ko." Panakot ko sa kanila dahilan upang mabilis silang humarap at tumango. Pinauna ko sila at naglakad na patungo sa malaking salas.

Ilang sandali lang ng marating namin ang salas. Ang mga tagapagsilbe na nadadaanan namin ay gulat na gulat sa suot ko. Well, ganon rin ang apat, pati ang hari, reyna at si anya. 


"Prinsesa athena... Bakit kakaiba ang iyong kasuotan." Nakakunot na saad ni anya. Napaiwas naman ang tingin ang mga kalalakihan.

"Asiwang asiwa na kasi ako sa mga mahabang bistida na mainit sa katawan. Pinasadya ko pa ito. Maganda naman diba?" Nakangiting sambit ko at umikot sa harap niya. Napahawak naman sila ng reyna sa sakanilang sentido na parang biglang sumakit ang ulo nila. 

Napatikhim ang hari at nagsalita. 

"Hayaan niyo na lamang, maglakbay na kayo hija... Mag iingat kayo sa inyong paglalakbay. Aasahan ko na kayo ay magtatagumpay... Kayo ay aking binabasbasan bilang hari ng haramya... Ito ang aking patunay upang malayo kayo sa panganib." Inabot niya sakin ang isang parang pabilog na parang bakal na kulay ginto at may nakaukit na hayop na may nakasulat na haramya.

"Mag iingat kayo prinsesa athena. Inyong tanggapin rin ang aking basbas. Hinihiling ko na kayo'y magtagumpay hija." Madamdaming saad naman ng reyna. Tumayo ito ay niyakap ako. Ginantihan ko rin ito at kumalas din agad. Ngumiti ako at nagsalita. 


"Asahan niyo po kamahalan. Magtatagumpay po kami. Gagaling po si dallas." 

****


Hindi pa kami nakakalabas ng hangganan ng haramya. Apat kaming nakasakay sa kaniya kaniyang kabayo, si gabriel naman ay nakasakay kay tonio. Hindi lang mabait ang hari at reyna, mapagmahal din sa kanilang kinasasakupan. Kaya pupursigaduhin kong humanap ng lunas upang matulungan sila at gumaling na si prinsipe dallas. Sana lang ay magtagumpay kami sa aming tatahakin. Huwag sanang makarating kay zayus, dahil hindi panga humuhupa ang galit niya madadagdagan na naman. Naalala ko pa kung paano niyang ipagtanggol sakin ang maldita niyang kapatid.

Nang makarating sa tapat ng silid, mabilis akong hinila ni zayus sa loob at galit na hinarap.


Sinalubong ko ang matinding galit niya habang ako ay walang emosyon na tumingin lang sa kaniya. 

"Magtungo ka sa hapag, humingi ka ng tawad sa iyong kalapastanganan na ginawa." Nagtitimping wika niya habang matalim na matalim ang tingin niya sakin.

"Ayoko." Walang ganang sambit ko. Mahigpit naman niyang hinawakan ang braso ko at inilapit ang sarili sa kaniya at galit na nagsalita. 


"Gagawin mo." Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako kung paano ako pakitunguhan ni zayus. Kung paano niya na lang ako basta hilahin para lang utusan na humingi ng tawad sa kapatid niya. Nasaktan ako ngunit hindi ko pinahalata.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now