15

211 13 3
                                    

Isang mapagpalang umaga ng magising si athena, may kumatok sa kwarto nya at nakita nya ang tigapagsilbe na pumasok ,na itinalaga sa kanya. Bumati ito sa kanya at inilapag ang dalang pagkain na nakalagay sa tray at inilapag sa lamesa isa isa.


Ilang sandali ng nagpaalam na lumabas na ang tigapagsilbe.


Sumakit ang ulo nya dahil sa puyat. Nag unat muna sya bago magpasyang tumayo at mag ayos. Habang nag sisipilyo naalala nya ang inasal sa prinsipe. Napapikit sya at pilit nyang iwinawaksi sa isip ang naging asal nya sa lalaki.


Nais nya lang naman magpahangin dahil ang nabasang sulat ay tumambay na sa isip nya. And she can't help it, masyado madaming pumapasok sa isip nya.


Nang matapos kumain ,dumetso sya upang magbigay galang sa emperador at inang emperatris pero ramdam ni athena na hindi pa rin maayos ang lagay ng dalawa sa kanya.


Nang matapos lumabas na sya at naglakad lakad sa palasyo habang tinitignan ang kapaligiran na binabantayan ng mga kawal. Sa di kalayuan may nakita syang nangangabayo na hindi nya matukoy kung sino. Hindi sya nagdalawang isip na lumapit at pinuntahan ang malawak at pantay na lupain na pinalilibutan ng mga maliliit na damo at puno.


Nang makalapit nakita nya kung sino ito. Zavier
Nakita sya nito at bumaba upang lapitan sya.


"Kanina kapa binibini?"  Nakangiti na sambit ni zavier.


Umiling ako at nagsalita."Kararating ko lang, pwede bang sumali?" Ani nya habang nakatingin sa malawak na paligid. Tumingin din si zavier at nakangiting pinagmasdan ang kanilang malawak na lupain.


Ilang sandali ng sabik na sumakay si athena sa kabayo na inalalayan naman zavier.

Mula sa puno nakita niya ang pangunahing asawa na si athena na masayang nakikipag karerahan sa kanyang kapatid na si zavier. Ngayon nya lamang nakita ang masayang ngiti ng dalaga mula ng ilang araw na hindi sya pinapansin ng dalaga.

Naninibugho sya dahil sa nakikitang kilos ng asawa sa kanyang kapatid. Na para bang kilala na nila ang isa't-isa na labis nyang kinaninibugho.


Lumapit sya sakay sakay ng kabayo, napahinto sila ,napatingin sa kanya ang kapatid ngunit si athena ay iniwas ang tingin.


"Bakit hindi kayo nagsasabi na nagkakarera kayo, nais kong sumali sa inyong karera." Tipid na ngiti ang ginawad nya. Tumango naman ang kanyang kapatid at ilang sandali ng sumigaw ang taga-anunsyo.

Maya maya ng mabilis na silang nag paligsahan.


Napangiti ako ng humampas sa balat ko ang malamig na hangin na sinasabayan ang pagtakbo ko gamit ang mabilis na kabayo.


Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa katawan nya. Para syang totoo nakikipagkarera sa bilis ngunit ng makita ang dalawa ay nakita nya nalang naiiwanan na pala sya.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now