18

231 13 2
                                    

Naalipungatan ako ng marinig ang maingay na nagkakalansingan na metal sa labas. Patamad na tumayo ako habang nagkukusot ng mata patungo sa bintana,at pinakinggan maigi ang ingay sa labas.

'Ano yon?'

May mga boses rin akong naririnig na nagsisigawan.

Pilit na pinoroseso pa ng utak ko kung anong ingay ang nanggagaling sa labas. . . At napatingin naman ako sa pinto ng silid ko ng marinig ko rin ang mga maingay na mga boses na parang mga nag-uusap.

Kumunot ang noo ko at tinungo ang pinto upang buksan. Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng hallway ng makitang maraming kawal ang nakatayo, nagsiyukod ang mga ito at bumati, ngunit ang kanilang reaksyon ay kakaiba.

"Anong nangyayare?" Takang saad ko, ngunit pansin kong may kakaibang nangyayare ng makita ang pag iwas nila ng tingin.

Napadako naman ang tingin ko sa dalawang tigapagsilbe na nasa gilid ng pinto ko. Yumuko lang ang mga ito na parang iniiwasan ang tingin ko.

"Naririnig n'yo naman siguro ako diba? Ano kakong nangyayare bakit ang ingay sa labas???" Naiinis na sambit ko, napatingin ako sa isang tigapagsilbe ng umangat ang tingin nito sakin.

Tinaasan ko sya ng kilay upang iparating sa kanya na hindi ako natutuwa sa pananahimik nila.


Lalo pang kumunot ang noo ko ng tumulo ang luha nito. Bakas din sa isang tigapagsilbe ang takot.

"Pipi ba kayo? Bakit hindi n'yo sabihin sakin kung anong nangyayare sa labas?" Inis akong naglakad upang tignan sana ang ingay ng harangan ako ng anim na kawal.


"Patawad mahal na prinsesa ngunit hindi po kayo maaaring lumabas." Matigas na saad nya ngunit nasa tinig pa rin ang paggalang.


Nagbuga ako ang hangin at pilitin na kinakalma ang sarili.

"Nasan si zayus?"

Wala akong narinig na sagot kaya nagsalita muli ako and this time galit na.


"NASAN SI ZAYUS?!" Sigaw ko sa kanila, nagkatingin sila at tsaka lang ulit nagsalita ang isang kawal.

"Bilin po ng prinsipe na hindi kayo maaaring palabasin, mapangib po mahal na prinsesa. dahil umatake ang mga bandido sa loob ng palasyo." Natigilan ako at napatingin sa sahig.

Umatake? Ibig-sabihin ang ingay sa labas ay mga espadang mga nagkakalansingan?


No... Zayus...

"Tumabi kayo." Utos ko ngunit matigas na humarang pa rin sila sa dadaanan ko.

"Hindi po kayo maaaring lumabas mahal na prinsesa. Mapanganib po." Hindi ko sila pinakinggan at nagpumilit parin ako sa nais kong gawin.


"Ano ba? Hindi n'yo ba talaga ako papakinggan? Tumabi kayo!" Inis na sambit ko.


Switched SoulsWhere stories live. Discover now