21

206 11 1
                                    

"Ano ang iyong nais gawin kamahalan?"

"Hindi tayo maaaring magpadalos dalos mahal na emperador." 

"Kailangan natin pagplanuhin ang lahat bago gumawa ng unang hakbang kamahalan.." 

May iba pang tumutol ngunit ang iba ay sumang-ayon.

"Masusunod kamahalan." 

"Ministro barbara, Ikaw ang iaatas ko upang kuhanin ang salaysay ng mga bandido na nasa dungeon."

Ngayon ko lang naalala ang mga bandido na nahuli noong nakaraan. Nawala sa isip nya ang lalaki na iyon dahil ang tanging naririnig niya lang sa buong palasyo ngayon ay ang tungkol sa mahiwagang babae na iniligtas ang emperador.

Narinig ko kasi matapos ang kaganapan noon, ay pinagbawal ng emperador na ikalat ang pagliligtas sa kanila ng isang dalaga. Ipinag-utos ito na isekreto ang tungkol sa pagliligtas. Ngunit hindi nasunod ang utos ng emperador, dahil kumalat pa rin ito,subalit ang balita ay ang emperador lang ang niligtas nito. Na kinaiiling nalang niya dahil para sa kaniya ay hindi na kailangan ipagkalat iyon tss. Alam niyang siya ang tinutukoy na mahiwagang babae. Dahil siya lang naman ang naglakas loob na tulungan ang mga ito.

'Munit ano naman kaya ang gagawin ng matanda upang kumanta sa kanya ang lalaki na iyon?'

Nangangalay na nakatayo ako ng makita si lihyan na papalapit sa gawi ko. Yumukod sya at ngumiti. 

"Ano ang iyong ginagawa dito binibini?" Malumanay na sambit nya habang hawak ang isang two layers na bento box na gawa sa kahoy. 

Humikab ako at pinakita sa kanya na wala akong ganang kausapin sya. Munit naisip kong ang bastos ko naman kung hindi ko sya sasagutin. 

"Inaantay ko ang prinsipe." Tipid na sambit nya, natigilan sya ngunit mabilis din nakabawi.

"Ganoon ba, hihintayin ko rin sya upang ibigay sa kanya ang luto ni ina." Aniya at tumabi sa gilid ko. 

Hindi ko nalang sya pinansin at hinayaan nalang sa gusto nyang gawin. 

One more hour had past ,nang lumabas na lahat ng mga tagapayo na nakakulay maroon na mahaba. Napatingin samin ang lahat at yumukod sila upang magbigay galang. 

"Mukhang nasa loob pa ang mahal na prinsipe. Halika doon na lamang tayo maghintay sa isang ilalim ng puno." Ang tinuro nya ay ang isang puno na hindi kataasan na pinalibutan ng pabilog na sementadong bato na pwedeng maupuan. 

Napaikot ang mata ko dahil sa paghila nya sa kamay ko. 

Nangmakaupo ngumiti sya sakin,ngunit hindi ko sinuklian. 

"Hindi mo ko kailangan hilahin, at tsaka hindi ko nagugustuhan ang paglapit mo." Inis na sambit ko sa kanya. Natutulala naman sya ng marinig ang inis sa tinig ko. humingi siya ng tawad ngumit binalewala ko nalang.

As if naman na talaga pure ang intensyon nya tss, hindi ko gusto ang pagiging malapit nya sakin hindi dahil kay zayus. 

Ayoko lang, hindi ko gusto ang pinapakita nyang kabutihan. 

Noong unang pagkikita namin ay alam kong hindi nya ko gusto. I don't know basta hindi ko rin sya gusto, kaya naiinis na lang ako tuwing lumalapit sya. At hindi ko din alam sa prinsipe kung kelan nya rin paaalisin ang isang 'to bilang pang-apat na asawa nya. 

Switched SoulsWhere stories live. Discover now