46

116 6 0
                                    

"Ina, tingin mo ay totoong nakita ng prinsipe ang kaniyang asawa?" Hindi maintindihan ni prinsipe Arassi kung bakit mapupunta rito ang kaniyang asawa. Sapagkat batid nilang ilang taon na itong nawawala. Ang kanilang tagapagsilbi ay nakatala ang mga pangalan. Bago mamasukan ang isang tao sa kanilang palasyo ay kailangan ay isa kang totoong nakarehistro sa sariya at kailangan ay isa kang residente rito. Kayat paano makakapasok ang isang tigapagsilbi na asawa ng prinsipe kung sakaling walang athena nakarehistro sa palasyo.


" Walang taong nagkakamali sa taong labis na nagmamahal. Naniniwala ako sa iyong pinsan Arassi." Tumango na lang siya sa sinabi ng kaniyang ina.


Ilang oras ng matapos ang okasyon sa palasyo. Lahat ng tagapasilbi ay tinipon sa bulwagan upang alamin ang kanilang mga pangalan.

Sa harap ng taga-mangangalap at hawak ang isang kuwaderno. Inumpisahan niya tawagin ang pangalan ng bawat tagapagsilbi.


"Arita?"


"Layla?"


"Natasya?"


Nasa isang daan na mahigit ang tinawag ng tagamangangalap at ang lahat ng iyon ay tugma sa mga tagapagsilbi sa kanilang harapan.


"Ilan ang ating tagapagsilbi na narito, ginoo Crisanto?" Tanong ni prinsipe ardani habang nakaupo katabi si prinsipe zayus.

"Nasa isang daan dalawampu, kamahalan." Magalang na saad ng matanda sa prinsipe. Kumunot naman ang noo ni arassi. Nakita niya ang punong tagapagsilbi kanina na may kausap ito na isang babae. Inilibot niya ang tingin ngunit wala roon ang isang tagapagsilbi.


"Ginang, Tarasiya. Nasaan ang kaninang tagapagsilbi na kausap mo kanina lamang?" Napatingin ang lahat sa gawi ng ginang na tahimik lamang na nakikinig. Kumunot naman ang noo ni prinsipe zayus dahil sa narinig. May sumibol na pag-asa sa puso niya. Umaasa siya na ang babaeng tinutukoy ni arassi ay si athena.

Umangat ang tingin ng ginang at nagsalita.
"Nasa silid-tagapagsilbi, kamahalan."


Napangsinghap ang lahat ng makita ng mga tagapagsilbi ang buong maharlikang pamilya na sundan si prinsipe zayus ng mabilis itong tumayo.

"Ano bang nangyayari?"


Halos napupuno ng bulungan ang buong bulwagan dahil sa nasaksihan. Hindi nila maintindihan kung ano ba ang nagyayari at sino ang hinahanap ng prinsipe. Miski ang mga kawal na nakatayo lang upang magbantay ay kinain rin ng kuryusidad. Hindi man sila magtanong ay nakakalap na sila ng impormasyon sa mga tagapagsilbi na naguusap sa loob ng bulwagan.


"Tumahimik kayo, kung ayaw niyong maparusahan." Masungit na saad ng ginang sa mga ito dahilan upang mahinto ang kanilang bulungan.


______


"Binibini, namumutla ka." Hindi alam ng babaeng kasama ni athena ang gagawin. Wala siyang alam kung paano ito sasabihin sa punong tagapagsilbi. Natatakot siyang mapagalitan nito.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now