37

140 6 1
                                    

Athena's Pov


Madilim na ng pagod kong sinalampak ang katawan ko sa kama. Nakaramdam din ako ng pananakit ng katawan dahil sa pakikipaglaban sa karinderya sa pamilihan. Dahil siguro ngayon na lang din ulit ako nakipaglaban ng ganito. Kaya ganito na lang kung mangalay ang binti at braso ko. Pati ang likod ng palad ko na namumula ng tignan ko ito. Hindi ko naman kasi alam na ang titigas pala ng mukha ng mga iyon. Ang lalakas pa ng loob mangasar mga lampa naman pala tss.


Pero... Hindi ko ma-gets bakit umuwing puro galos at pasa si ador kahapon kung wala naman mga binatbat iyon mga iyon? Sa nakita ko kung paano niya iwasan yung mga palaso na out of nowhere na bigla na lang nagsilputan, parang marunong rin naman siya lumaban pagdating sa pisikalan. Saka isa pa iyon....


Simula ng umalis ako ng haramya at hindi sumama sa prinsipe. Feeling ko andaming masasamang nangyare sa buhay ko.
Mali ba ako ng desisyon? Mali ba na hindi ko muna siya sundin at unahin ko muna ang gusto kong gawin? O tama lang iyon para lumamig din ang ulo niya sakin? Dahil pakiramdam ko lahat ng ginagawa at kinikilos ko mali lahat sa paningin niya. Wala naman akong ginawang tama para sa kaniya.


Pero aminin ko man o hindi... Nami-missed ko siya. Kahit na ang sungit sungit sungit niya sakin tapos kay ciera hindi. Kahit na mas pinapaboran niya pa ang iba kaysa sa asawa niya psshh....


Napakapa ako sa mukha ko ng maramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Ganito ko ba talaga siya ka-missed? Miski ang luha ko hindi ko napigilan sa pagtulo. Kung iisipin hindi dapat ako ang nakakamiss sa kaniya , kung hindi siya. Siya itong hinayaan akong umalis at hindi man lang pinigilan.


Dream on athena, in the first place hindi naman talaga dapat ikaw ang nasa sitwasyon mo ngayon kung hindi ang totoong may-ari ng katawan na'to.


Meaning hindi dapat ako nag-iinarte? Nooooo... Bahala na si batman as long as na ako pa rin ang nasa katawan na'to ako pa rin ang masusunod. Ako pa rin 'to, ako pa rin ang makikita ni zayus, makakausap, mayayakap at mahahalikan at... Magpapasakit sa ulo niya.  Saka ko na iisipin kapag bumalik nako sa sarili kong katawan.


Agad kong pinunasan ang luha ko ng makarinig ako ng katok sa pinto. Tumayo ako at tinungo ang pinto. Binuksan ko ito at nakitang nakatayo si gabgab sa pinto ko. Nakayuko ito at may bitbit na unan, sapin at kumot.

"Gab? Bakit may dala ka niyan?" Takang tanong ko dito. Umangat ang ulo nito ngunit ang tingin ay nakaiwas sakin.


"N-nais ko po kasi makitulog rito ate athena... Natitiyak ko po kasing bukas pa makakauwi sila kuya." Makikitulog siya sa sakin? Okay lang ba sa kaniya?


Bakit parang ako pa ang dapat magtanong ?


"Ipasok mo na iyan sa loob, Tabi na lang tayo sa kama. Malaki naman ang espasyo ng kama ng sakin." Ani ko dito. Pansin kong tutol ito sa sinabi ko kaya nauna nakong pumasok sa loob.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now