16

195 11 0
                                    

Mula sa kasuotan at istilo, nagpanggap silang karaniwan tao. Ilang oras ang ginugol nila upang makarating sa kanilang pagtutunguhan. Nagpasya si zavier na planuhin ang pagpasok sa isang tagong nayon. Nakatago sila sa mataas na damo at maliblib na gubat, kita nila mula sa kanilang pinagtataguan ang mga lalaking nakabantay sa isang tarangkahan.

"Ano bang inaantay natin?" Naiinip na sambit ni athena habang pinapanuod ang mga tao sa isang nayon. hindi lumingon si zavier sa gawi nya ngunit sumagot ito.

"Hindi tayo dapat magpadalos dalos, natitiyak kong marami silang nakabantay." Sa nakikita nyang kilos ng tao nasisiguro nyang may kung ano silang tinatago.


Hindi na sana nya nais gawin ang binabalak. Ngunit ng malaman nya ang binalita ni ismael. Hindi na sya nagdalawang isip pa.

Munit ngayon nag-aalingan sya dahil alam nya na mapanganib kung isasama nya ang prinsesa upang gawin ang kanyang binabalak.

Nag aalala sya sa kaligtasan ni prinsesa athena.
Kasabay na pag alala nya, ang nakakatanda nyang kapatid ay nasisiguro nyang malalaman ito at kagagalitan sya.

Ngunit ang prinsesa ay nagpumilit na sumama. Hindi nya minsan maintindihan ang prinsesa dahil sa una palang na tingin ay makikita mong isang mahiyain at tahimik. Munit isa sa mga 'yon ay wala sa kanya.

Kakaibang babae. Kung ang ibang babae ay takot sa gulo ngunit sya ay iba.


Napalingon si athena kay prinsipe zavier ng maramdaman nyang nakatitig ito sa kanya.
Kasabay na paglingon nya ang pagkurap ni zavier, mabilis na umiwas ito na kinataas ng kilay nya.


What the hell? Bakit lagi nyang nahuhuli 'to na nakatingin sa kanya. Tss.


Nagsimula na sila kumilos at dahan dahan na naglakad. Pinaalala ni zavier sa prinsesa ang mga dapat gagawin at hindi dapat maaaring gawin.

*****

"Mali, sa kanan."

"Wala dyan, Sa kaliwa."

"Sure na'ko, nasa gitna yan."

Kumunot muna ang noo ng lalaki sa kanya na nagaalangan sa sinabi nya ngunit sinunod ulit ang mga sinabi nya. Ngunit ang lumabas ay ang nasa kanan. Galit naman na tumayo ang lalaki at nagsalita.

"Sino ka ba??? Kanina kapa eh! Dahil sayo kaya ako natalo!" Sigaw sa kanya. Rinig naman nilang tumawa ang mga tao ngunit nagpatuloy lang sa paglalaro.


"Sinabi ko bang sundin mo ko?" Bored na sambit nya na lalong nagpagalit sa lalaki.


"Anong sinabi mo?!" Sigaw sa mukha nya ng lalaki at malakas syang sinampal dahilan upang pumaling ang mukha nya. Ang mga tao naman sa loob ng sugalan ay hindi nag abalang tumingin sa kaniya o hindi man lang sinaway ang lalaking sinampal sya na wari ba'y isang pangkaraniwan na sa kanila ang nangyayare.


"Mapagmalaki ka ah? Kaya kitang patayin kung nanaisin ko! Kaya umalis kana rito nakakamalas ang itsura mo!" Hindi na sya pumalag pa at inalisan nalang ang lugar.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now