24

148 7 1
                                    

Ilang sandali lang, ng inumpisahan na nila ang pagpuslit sa loob ng kaharian. Kanilang tiniyak ang isa't-isa na maayos ang kanilang lulusutan. Kabisado na nila ang bawat pasikot sikot ng palasyo, sapagkat maraming beses na silang nakapasok sa loob. Miski ang mga maliit o tagong lagusan ay alam nila. Bumutas rin sila ng lagusan na hindi nalalaman at napapansin ng mga trabahador ng palasyo. Hindi nila papalampasin ang mahalagang araw na ito, dahil ngayon ang araw na maluwag ang mga bantay. Abala ang mga tao sa pagdiriwang ng kaarawan ng prinsipe. Kayat kanilang sisiguraduhin na malilikom nila ang mga alahas at salapi. 



"Dito na tayo maghiwalay, kaming dalawa ni ador ang papasok sa silid ng prinsipe. Mag iingat kayo." Matapos magsalita ng lalaki ay tumango ang dalawa at inumpisahan na tumungo sa lihim nilang daanan. 



Malayo sila sa mga kawal na nagbabantay sa pasukan, habang kanilang minamanmanan ang iba pa. Maya maya lang ng kumaliwa na sila at lumusot sila sa butas ng makapal na pader na may katabi na malaking puno at ang lapag ay damohan. Ngunit mabilis silang nagtago ng may dalawang kawal na dumaan sa harap nila. 




"Akala ko ba ay walang dumaraan rito? Ngunit ano iyon?" Mahina munit nakakunot na saad ng lalaking may hikaw na may palawit na espada na si ador. Habang nakatingin sa mga kawal na dumaan.



Hindi siya pinansin ng lalaki, dahil abala ito sa pagtingin sa paligid.Mabuti nalang ay mabilis silang nakapagtago. Nang lumagpas na ang dalawang kawal , tinungo agad nila ang pinto na pinalilibutan ng mga halaman. Kanilang natitiyak na walang may alam ng pintuan, sapagkat tuwing papasok sila ay napupuno ito ng mga alikabok. Tiyak nila ay isa itong abandonadong silong. Madilim ito, at ang atmospera ay parang may nakapatong sa kanilang ulo na mabibigat na bagay. 



Nang makapasok ay agad nilang sinarado ang pinto at sinindihan ang dalang sulo. Hindi mawari ni faustino. Kung bakit iba ang kanilang nararamdaman tuwing sila ay pumapasok sa madilim na silid na ito. 




"Talaga bang wala kakaibang nilalang rito? Ako lang ba o nararamdaman mo rin faustino?" Agad na lumingon si faustino kay ador ng magsalita ito. Ngunit abala na ito sa paglibot ng tingin sa paligid. Hindi niya malaman kung bakit nararamdaman niya na parang may nanonood sa kanila, ngunit ng ilibot niya naman ang tingin ay wala syang nakikita, kundi ang mga lumang kagamitan. Na parang ginawang imbakan ng mga lumang gamit.




"Tayo na, sikapin mong huwag mag-ingay ador. Ikaw sa lahat ang pinakamaingay." Seryosong aniya at umakyat na sa hagdaan patungo sa isa pang pintuan. Agad naman sumunod si ador, ng maiwanan siya ni faustino. 



Sinikap nilang hindi makagawa ng ingay habang makarating ng pasilyo. naglalakad na sila ng maingat. Tahimik at walang katao-tao habang papagawi sila sa silid ng prinsipe. Napakaswerte ni faustino dahil siya ang sinama. Kung si tonio at gabriel ang kaniyang sinama. Tiyak ko na hindi agad aabot ng ilang minuto. Sapagkat agad silang mahuhuli. Swerte ng loko.




Nang makarating sa silid, tumingin muna sila sa magkabilang gilid upang masiguro na walang makakakita sa kanila, at ng matiyak. dahan dahan hinawakan ni faustino ang seradura ng pinto at maingat na binuksan. Agad silang pumasok at maingat uli na sinarado at inilock ang pinto sa loob. Nang makapasok, bumungad agad sa kanila ang malaking kama na nakagawi sa kabinet, at sa tabi niyon ay may istante ng mga libro. May silya at lamesa rin sa harap ng istante ng mga libro na katabi lang rin ng bintana. na may makapal na mukang mabigat na kurtina.  Inilibot pa nila ang paningin sa buong silid. Sa gilid ng kama ay may lamesita at may nakapatong na babasagin na pitsel at baso. 



Switched SoulsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang