10

243 23 1
                                    

Napatingin ako kay kleyo ng mabilis syang lumuhod. "Patawad kamahalan."

"Lumabas ka rito." Maawtoridad na utos ni zayus na syang susundin naman ni kleyo.

Ngunit lalabas na sana ang lalaki ng pigilan ko ito. Nagbaga ang tingin ni zayus sa kamay kong nakahawak sa wrist ni kleyo.

"Dyan ka lang." Walang emosyon saad ko.

"N-g--," pigil ko sasabihin nya at tinanggal ko naman ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Ako ang nagpumilit na papasukin sya dito." Kumunot ang noo nya.

"Nagpumilit? Sinasabi mo bang mayroon kang relasyon sa iyong kawal?"

What the hell.....?

Bakit nya naisip ang bagay nayan?

Inis ko syang tinignan at kita ko naman ang pagyuko ni kleyo. "Pinapasok lang sya sa kwarto may relasyon na agad?" Basag ko sa sinabi nya. At kita ko naman kung paano nyang mabilis tutukan si kleyo ng espada sa leeg. Napaatras naman ang lalaki at bakas ang takot sa prinsipe.

"Zayus! Ano bang nangyayare sayo? Ibaba mo yan." Agap ko sa nagagalit na prinsipe.

Ngunit hindi sya nagpatinag at may kung anong emosyon akong nababasa sa mga mata nya pero hindi ko mapangalanan.

"Kung ganon sabihin mo kung anong ginagawa ng iyong kawal sa iyong silid athena." Ang tinig ng lalaki ang nagbigay kilabot sa kanya dahil para bang isang maling salita ay kikitilan nya ng buhay si kleyo.

"Then fine, makinig kang maigi! Pinapasok ko sya dito dahil pinapili ko sya kung anong mas maganda sa dalawang mahabang damit nayan. Kaya please lang zayus. Ibaba mo nayan dumudugo na yung leeg nya." Madiin at seryosong sambit ko sa prinsipe ng makita ang leeg ni kleyo. Ilang segundo lang ng ibaba nya ang espada.

Nang maibaba ng prinsipe mabilis na lumabas si kleyo.

Inis akong tumingin sa lalaki at nagsalita uli.
Ngunit ang malamig nyang tingin ay napalitan ng kakaibang emosyon.

"It's your fault zayus! Kasalanan mo. Sinabi ko na diba ? Ano pang ginagawa mo dito sa silid ko?" Frustated na saad ko. Tinalikudan ko sya at kinuha ang mga damit sa kama at binalik sa kabinet.

"Patawad." Napatigil ako sa pagsabit ng marinig ko ang malambing na sambit ng lalaki. Ngunit hindi ko sya pinansin at tinapos ang ginagawa.

Ilang segundo ng bumalik ako sa kama at nahiga.

Patawad? Matapos nyang tutukan si kleyo ng espada?

Hindi muna mag tanong bago magalit.

Hindi mawala sa isip ko kung paano nalang tutukan ni zayus si kleyo. Lalo na ng makita ko ang nagdudugong leeg ng lalaki.

Hays, kung alam ko lang hindi ko nalang sana sya pinapili.

Naramdaman ko ang paglubog ng bahagi ng gilid ng kama ko.

"Patawad. Naninibugho ako ng makita sya na magkasama na...kayo lamang dalawa." Malambing na sambit nya sa gilid ko. Rinig ko ang mabigat na paghinga nya.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now