44

138 5 0
                                    

Narrator's Pov

Ang mga titig o tingin nito ay may kaparehas na hindi niya mapangalanan. Ang kasuotan nito ay simisigaw ng karangyaan. Ang bawat salita nito ay parang may mataas na kapangyarihan kumpara sa lalaking pinipilit siyang maupo.

"Umalis ka sa akin harapan." Utos ng lalaki sa lalaking kadarating lang. Hindi siya nito binigyan ng pansin bagkus lumapit ito kay athena na kinaatras niya sa hindi malaman na kadahilanan. Hahawakan ulit siya sana ng lalaki kanina ng harangin ito ng dalawang lalaki na sa tingin niya  ay kawal ng lalaki.

Dumako ang mata nito sa paa niya ng mapansin siguro nito ang pag-atras niya. Nakakaintimidate ang titig nito, kilala niya ang titig na iyon. Ang mga tingin na iyon ay tanda niya. Iniwas niya ang tingin at yumuko.


"Maraming salamat, Ginoo." Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig niya. Sa loob ng maraming buwan. Ang pananalita nila ay kuha niya na rin. Ang kilos ng mga mababang uri na ayaw mapahamak ay alam niya na rin. At ganoon ang ginagawa niya ngayon, ang magpakumbaba.


"Huwag kang matakot. Mukha lamang akong nakakatakot ngunit hindi ako nangangain." Alam niyang nagbibiro ito kaya inangat niya ang tingin dito. Wala sa isip niya ang makipag usap lang, ngunit baka mabastusan ang lalaki kung basta niya nalang ito tatalikudan. Pauwi narin naman siya kaya ayos lang siguro kung ilibre niya pa ito ng alak o kung anong gusto nito bilang pasasalamat.







"Salamat kanina." Ani niya dito ng makaupo sila sa isang bakanteng lamesa ng magkaharap. Wala ng ganong tao. Ang tanging natitira nalang ay ang mga server na naglilinis na. Ang lalaki gusto siya iupo kanina ay wala ng nagawa pa, na hindi niya alam kung bakit parang naging maamo ito simula ng dumating ang lalaking kaharap niya ngayon.


"Aking huhulaan..." Kumunot ang noo ni athena ng bitinin ng lalaki ang sasabihin. Nakangisi ito sa kaniya habang parang tinitignan nito ang magiging reaksyon niya sa sasabihin niya.

"Huhulaan po ang ano?" Takang tanong niya dito habang may bakas kay athena na gustong marinig ang sasabihin nito.

"Aking huhulaan na, isang bagohan ka lamang rito." Napalunok siya ng laway at sumeryeso bigla. As if naman kasi na mukha akong matagal na rito. Lahat naman ng mga nakakakita sakin ay sinasabing "Maganda ang tinig ng baguhang binibini na ito."

I don't know, nakornihan ako sa lalaki. Para siyang bata mag-isip kahit na simisigaw ang awtoridad sa katauhan niya. Kung sa paguwapuhan ay talagang masasabi kong guwapo ito. May maliit na nunal sa gitnang matangos na ilong na lalong naglabas ng kaguwapuhan nito. Matangkad rin ito na sa tingin ko ay 6 footer ang taas.

"Bago nga po ako dito." Iyon na lang ang nasabi niya habang umiinom ng tubig. Narinig ko naman siyang tumawa kaya dumako na naman ang tingin ko sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko dahil sa inaakto nito.

"Ganiyan ka ba talaga? Parang hindi ka man lang masaya." Hindi ko alam kung ano sasabihin dito ng marinig ang sinabi nito. Totoo naman kasi na hindi ako ngumingiti o tumatawa kanina pa. Gusto ko na kasing umuwi at ang plano ko naman talaga ay bigyan lang siya ng pagkain at alak na pa-thanksgiving ko dahil sa ginawa niya kanina.
Pero hindi ko naman akalain na kakausapin pa ako nito pagkatapos.

"Sa lahat kasi ng aking nakakausap na babae, ay kakaiba ka. Hindi ka ngumingiti." Nakakausap na babae? Kakaiba ako?


Switched SoulsWhere stories live. Discover now