34

140 8 1
                                    

"Huwag mong iiwan ang binibini Gabriel, bantayan mo siya." Paalala ni tonio kay gabriel na inaantay na lang silang umalis. Nasa entrada sila ng Inn habang pinaalalahanan nila ang batang kapatid. 


Tumango naman si gabriel at nagsalita
"Ipanatag niyo ang inyong kalooban. Ako ng bahala kay ate athena. Sa kamay ko muna sila dadaan bago nila mahawakan ang binibini."  Ginulo ni tonio ang buhok ni gabriel dahil tiwala siya sa kapatid. Ang sunod naman na nagsalita ay si faustino.


"Tiyakin mo gabriel. Samahan mo ang binibini kung saan ang nais niyang magtungo. Ngunit hindi kayo maaaring lumayo, batid kong alam mo naman kung bakit." Seryosong paalala ni faustino habang nakatingin kay gabriel. Tumango na lang siya upang matapos na ang kanina pa nilang pagbibigay paalala sa kaniya na kinabugnot niya na.


"Sinabi ko na nga eh, ako ng bahala kay ate athena ipanatag niyo ang inyong loob. Basta huwag niyong kalimutan ang akin pasalubong." Ngisi niya.


Sumama naman ang mukha ni ador dahil kanina pa siya nag-aantay sa dalawang kasama na hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos tapos ang kanilang habilin kay gabriel. 


"Tsh. Babalik rin agad tayo, huwag kayong magpaalam na para bang hindi na tayo makakabalik." Iritang sabi nito. Nang marinig nila ang nababagot ng si ador, hindi na sila nagtagal pa at lumakad na rin upang umalis. 


Dumaan muna sila kay Ginoong Piuea upang malaman kung saan nag-aantay ang Ginang. Ilang minuto ng makarating sila sa karinderya ng Ginoo. Napangiti sa kanila ang mag asawa ng makita sila. 

"Kayo ba ay handa na?" Saad ng matanda. Walang gana naman silang tumango. 

"Bakit ganiyan ang inyong ayos? Parang kayo'y  pinagbasakan ng langit mga hijo?" Tanong naman ng Ginang na asawa ni Ginoong Piuea. Kunot ang noo nito. Saka lang nila napansin ang mga sarili ng pare-parehas nga silang tahimik na parang wala sa sarili.


"Inaantok lamang ako Ginang, Pasensya na hindi ako nakatulog kagabi ng maayos." Sagot ni faustino na bakas naman na nagsasabi ng totoo. Nang matapos si faustino kay tonio naman lumipat ang tingin ng ginang.

"Ganoon rin ho, kaparehas ng kay faustino." Mabagal naman na tumango ang ginang at nalipat naman kay ador ang tingin nito. Na para bang pinag-aaralan nito ang lalaki kung bakit tahimik.

Nang mapansin ni ador na sa kaniya na nakatingin ang ginang wala siyang gana na sumagot.

"Ganoon rin ho." Tipid na tugon nito. Ngunit hindi kumbinsido ang ginang. Nakatingin pa rin ito sa kaniya na para bang hindi totoo ang sinasabi niya at may iba pa siyang dahilan.

"Tsh, Ginang, totoo ho, sumakit lang ho ang ulo ko dahil sa aming kasamang dalaga na masakit sa ulo." Naalala niya na naman si athena kagabi kasa-kasama ang dalawang lalaki. Kung makapag-usap pa ito ay kala mo ay kilang kilala niya ang dalawang taong kaniyang kasama kagabi. Kung alam lamang niya kung sino ang mga iyon. Tssh! Kakaiba talaga ang ugali ng babaeng iyon. Hindi marunong mahiya. Siya pa itong kusa gumamot ng galos at pasa sa kaniyang mukha. Ngunit nag-iba ang kaniyang naramdaman ng maalala ang maingat nitong pagdampi ng daliri sa kaniyang mga pasa. Ang haplos ng kaniyang daliri ay nakapagpamula sa kaniyang tainga. Napailing siya at mabilis na binura ang nakangiting mukha ni athena sa kaniyang isip.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now