26

141 11 0
                                    

Nagpag-isipan kong maglakad sa mahaba at malalawak na pasilyo. Dala ang tampo at selos sa lalaki. Lumabas ako at hinayaan nalang ang sarili na malibang sa mga desenyo ng dingding. Medyo may kalumaan pero maganda pa rin naman at malinis tignan. Ang sahig nila ay nilapatan ng pulang karpet.  Sa bawat dingding na madadaanan ko ay may mga sulo na nakadikit dito. Ilang pasilyo na ang nilikuan ko, ngunit hindi ko pa din alam kung saan ang tungo ko. 



Napabuntong hininga ako. Gusto ko lang maalis sa isip ko yung pinag-awayan namin ni zayus kanina. Gusto kong kalimutan yung huling sinabi niya. Gusto kong kalimutan kung paano niya akong kamunhian kanina. At gusto kong paniwalain ang sarili na galit lang ang lalaki sa kaniya kaya niya na sabi ang mga kataga na iyon. Kung si ciera talaga ang gusto niyang mapangasawa noon pa, sana hindi na umabot ng ilang buwan at kinasal ulit siya. Pero hindi naman nangyare...


'I know galit lang siya kaya niya nasabi iyon.' 


Napahinto ako ng may makita akong kwintas sa harap ng isang silid. Pinulot ko ito at pinakatitigan. Mukang makaluma ang istilo. 


Nahulog siguro to ng may ari ng silid na 'to. Nang matapos kong masuri ang kwintas. kinatok ko ang silid ngunit walang sumagot. Pangatlong katok ko ng hindi pa rin binubuksan ay nagpasya na akong buksan ito. Sinilip ko ito at nilibot ang tingin. Mukhang panglalaki ang desenyo at istilo ng silid. Tumingin muna ako sa magkabilang gilid ng hallway bago pumasok sa loob at sinarado ang pinto. 


Wala naman sigurong makakakita at magagalit kung pumasok ako diba? Wala naman tao at busy sila sa pagdiriwang. 


Inilibot ko ang tingin, at dumako ang tingin ko sa mga istante ng libro. Lumapit ako rito at tinignan ang mga nakahilera na mga libro. Nang matapos sa pagtingin ay dumako naman ang tingin ko sa kabinet na katabi lang ng istante ng mga libro. Hinawakan ko ito at maingat na binuksan ang pinto ng kabinet. Pulos mga naggargarbohan na panglalaki ang laman. Sa tingin ko ay silid talaga ito ng lalaki. Napalakas ang pagsara ko, dahilan upang umislide ito pakanan. Napatingin ako sa likod nito ng may makitang pinto. 

Kumunot ang noo ko. At maingat na binuksan ang pintuan. At takang nilibot muli ang tingin. 

Dressing room? 


Malawak ito, may mga ibat ibang istraktura ang laman ng dressing room. Marami din mga ibat ibang uri ng kasuotan panglalaki ang nakasabit pa sa mataas na kabinet. At may mga nakatupi rin. Sa kanan bahagi may mga sapatos naman na mga nakahilera na hindi uso sa mundo ko at iba pa. Pumasok ako sa loob at hindi na inalintana ang mangyayare kung sakaling malaman na may pumuslit sa kanilang silid.



Nagtungo ako sa tukador, at ipapatong na sana ang kwintas ng may kung anong akong maapakan. Tinignan ko ito at nakita na may pa-kuwadrado na isang pinto. Na hindi mapapansin ng kung sino kung hindi nito matatapakan ang nakausling kahoy. 


"Ano 'to?" Mahinang tanong ko sa sarili at umupo. 


Binuksan ko ito ng dahan dahan, at bumungad sakin ang isang hagdan.


Underground? 

Hindi na ako nagtagal pa at nagpapasyahan na bumaba at tignan kung anong meron sa baba.  


Switched SoulsWhere stories live. Discover now