11

265 22 5
                                    

Matapos ang mahabang paglalakbay nakarating na kami sa palasyo. Ang imperyo na ito ay katumbas ng apat na kaharian sa laki.

Huminto kami sa isang mataas na doubledoor. Bumaba na si zayus sa kabayo at pagkatapos tumungo sya sa karwahe at inalalayan si lihyan na bumaba. Napaikot ang mata ko dahil sa nakita. Aalalayan na sana ako ng kawal ng tanggihan ko sya. Kita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon nya sakin ngunit hindi ko sya pinansin. Hinayaan ko nalang ang sarili na ilibot ang paningin sa paligid.

Lahat ng kawal sa magkabilang gilid ay matuwid na nakatayo at may mga hawak na sibat. Lahat sila ay binati ang lalaki.

Napalingon naman ako ng makita ang heneral kasama ang matandang lalaki na lumabas sa isang kulay gintong malaking pinto na may nakaukit na isang dambuhalang dragon. Pati narin ang anim na kawal na nakasunod sa kanya.

"Zayus." Kapansin pansin ang mga kulubot na balat ng matanda sa mukha. Ngunit kahit ganon kita pa rin ang matikas na pangangatawan at kagwapuhan.  'sya siguro ang emperador. Hawig ng prinsipe.'  pati narin kung paano tumingin ay namana ng binata. Ngunit ang boses ay malaki.

"Kamahalan." Ani ni zayus at yumukod upang magbigay galang sa emperador. Tinapik sya ng matanda sa balikat. At tinapunan si lihyan ng tingin ng bumati ito.

"Kingagalak kong makita na mabuti ang iyong kalusugan kamahalan." Nakangiti na yumukod si lihyan na sinuklian naman ng matanda.

"Halika at tumuloy kayo. Natitiyak akong napagod kayo sa inyong paglalakbay." Ani ng matanda. matapos magsalita ay napatingin sya sakin. Tinanguan ko lang sya at nadaanan ng tingin si zayus ngunit kumunot ang noo ko ng makita ang nagtatakang tingin nya sakin pati narin ang iba pa.

"U-hhh bakit?" Parang tangang tanong ko. dahil nakakailang ang mga binibinigay na tingin nila sakin. Si zayus naman ay binigyan ako ng matalim na tingin.

Ngunit naputol ang tingin na yon ng may lumapit na kawal. "Nakahanda na po ang lahat kamahalan." Ani ng kawal. Sumenyas ang matanda na syang pag alis ng kawal. Mabilis na muna ako tinapunan ulit ng matanda ng tingin bago pumasok sa loob. Na labis na pinagtataka ko.



_____

Sa gitna ng hapagkainan, nag uusap ang lahat. Kasama sa isang mahabang lamesa ang inang emperatris , emperador, lihyan, heneral, at ang isang lalaki pati na din si zayus na katabi ko. Ang ayos namin tatlo ay pinagigitnaan namin ni lihyan si zayus. Sa kabila naman kaharap ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ni zayus. Ang emperador ay nasa unahan ganun din ang emperatris. Kahilera nila ang heneral.

Napahikab ako. Sa dalawang araw namin paglalakbay pagod na pagod ang katawan lupa ko. Gusto kong matulog. Dagdag mo pa ang nakakaantok na pag uusap nila na hindi ko maintindihan. Dahil hindi ako interesado pakinggan.

Nang matapos kumain. Sumandal ako sa balikat ni zayus dahil hindi ko na kaya ang antok. Naramdaman at nakita ko pa muna ang paninigas ng katawan nya at ang gulat na expression nila bago ako tuluyan na makatulog.

Nagising nalang ako ng nakahiga sa malambot na kama. Maganda at nababahidan ng kulay ginto ang lahat ng kagamitan ng ilibot ko ang tingin.

Tumayo ako at tinungo ang pinto at sumilip. Isang pasilyo ang nabungaran ko. Walang tao at tahimik. lumabas ako at sinimulan maglakad.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now