41

148 8 6
                                    

Lumabas ako ng kubo para lang makita ang mabigat na pagwasiwas ni zayus sa mabigat niyang espada. Bawat pag-ampas niya makikita mo na may mabigat siyang suliranin na alam kong ako ang naging dahilan. Hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko dahil sa nakikita kong ayos ng prinsipe. Bawat ampas, bawat masiwas, bawat paghinga ay parang hinaluan ng galit, poot, at pagkamuhi. 


Rinig na rinig ko ang bawat bigat niyang paghinga. Lalong lumukob sa dibdib ko ang takot kung paano niyang mahati ang isang bamboo tree na para bang isa itong kalaban. Hindi ko maiwasan maisip kung ako ba ang iniisip niya sa bamboo tree dahil sa nakikita ko... Parang ibang zayus ang nakikita ko ngayon.


Hindi ko alam kung paano ako lalapit. Hindi ko alam kung paano pagaangin ang loob niya... Walang akong magawa kung hindi panuorin siya mula sa tabi ng puno. Kahit ang iba niyang mga kasamahan ay hindi siya magawang lapitan, kahit si zavier. Tinuro lang nila sakin na dito nagtungo si zayus sa isang tago na pinalilibutan ng mga matataas na damo at ng mga bamboo tree. Kumirot ang puso ko ng lumingon si zayus sa banda ko gamit ang walang emosyon niyang titig. Para lang ako isang pader na mabilis niya lang tinignan at bumalik na muli sa pag eensayo.


Takot man at kaba ang aking nararamdaman. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit. Dahan dahan habang malakas na dumadagundong ang dibdib ko. Ngunit agad din ako napahinto ng malamig siyang magsalita habang tuloy parin sa pag eensayo.

"Huwag kang lalapit."


Malamig na tinig ang ginamit niya upang kabahan ako ng husto. Kahit na gusto ko ng umalis sa harapan niya, hindi ko magawa. Ayokong umalis ng hindi nagpapaliwanag sa kaniya. Ayokong tuluyan na magalit siya sakin dahil iniwan ko siyang walang miski katiting na salitang naririnig mula sakin. Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya. Nagpatuloy lang ako ng maglakad para makalapit sa kaniya.


Ngunit ng tuluyang nakong makalapit sa kaniya. Mabilis na nangilid ang mga luha ko at nagbabadyang pumatak na naman ito dahil sa ginawa ng prinsipe.


Halos hindi ko na makilala ang zayus na nakilala ko noon. Ibang iba na siya ngayon, na kanina lang ay kung makayakap ay parang ayaw nakong pakawalan. Ang mga salitang pinaramdam niya sakin ay tila isang alaala na lang ngayon na mabilis niyang kinalimutan.


Malamig ang mga asul niyang mga mata nakatitig sakin habang ang talim ng kaniyang espada ay nakatutok sa leeg ko.

"Sinabi kong huwag mo akong lapitan, ngunit naalala kong ganiyan pala katigas ng iyong ulo Dayo." Parang pinipiraso at tinapakan ang puso ko ng marinig ang huling sinabi ni zayus. Hindi ko alam kung bakit natatagalan ako ang ganitong ugali ni zayus. Ang itrato akong isang hindi kilala o asawa sa mundo na ito.

"Z-zayus..." Nahihirapan akong magsalita dahil sa labis na sakit na lumukob sa dibdib ko ng maramdaman ko ang tulim nito sa balat ko.

Masakit man pero hindi ko pinahalata na nasasaktan ako. Ayoko makita niya na umaarte ako dahil sa ginagawa niya.

"Ilang beses ko ng napansin ang mga kakaibang mong kilos noon, Pinaniwala ko pa ang aking sarili upang hindi ka pagdudahan... Ngunit tama pala ang aking hinala." Salubong na ang mga kilay niya ng matapos niyang magsalita. Bakas sa mga mata niya ang galit habang nakatingin sakin.

Switched Soulsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن