36

142 9 1
                                    

Bitbit ang kinita niya sa paglalaba kay ginang merinda, masaya si carolina na dala dala ang binili niyang malagkit upang pasalubong sa kaniyang pamilya. Masaya siyang dinagdagan ng ginang ang kita niya. May maibibigay na siya sa kaniyang ina. Siya na lamang kasi ang tumatayong tatay sa kanila. Dahil bata palang siya kinuha na ng langit ang kaniyang ama dahil sa malubhang sakit. Kaya heto siya sinisikap niyang makatulong sa kaniyang ina, upang hindi na nito isipin ang kanilang gagastusin sa pang araw-araw. Medyo malayo ang bahay nila sa basilan, isang oras ang kanilang nilalakad upang makarating sa kanilang maliit na nayon. Kaya ganito nalang ang tumatagktak niyang pawis lalo na't tirik na tirik pa ang init mabuti nalang au malapit na siya.


Napangiti siya dahil sa katahimikan ng kapaligiran, ngunit ang mga ibon talaga ay tila hindi nagpapatalo. Dahil pumaibabaw na naman ang mga huni na nagmumula rito. Pasaway.


Habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang maliit na nayon. Nang makita ang ilog sa kanila huminto muna siya saglit upang tunguin ito. Umupo siya upang uminom dahil kanina pa rin siya nauuhaw. Labis ang naging pagod niya dahil  sa nangyare ngayon araw...subalit masaya rin dahil doble ang binayad sa kaniya ni ginang merinda dahil sa malinis niyang paglalaba.


Nang makainom hinilamusan niya rin ang kaniyang mukha dahil ramdam niya ang singaw nito dahil sa init. Ilang sandali lang ng matapos na siya at tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo ng may mapansin siyang katawan. Nakadapa ito at nababahidan ng dugo ang kasuotan. Kumabog ang dibdib niya, hindi lang isa ang katawan ang mga nakabulagta kung hindi nasa trese ng bilangin niya ang mga ito. Kinilabutan siya at pinakiramdaman ang paligid. Ngunit ng walang maramdaman na kakaiba, tinungo niya muna ang isang nasa gilid ng ilog. Nakita niya ang mukha nito. Ngunit mas inuna niya ang pulso nito kung buhay pa ba ito. Nang maramdaman pa ang pintig nito. Pumwesto siya sa uluhan at hinatak niya ito patungo sa puno upang isandal. Kita niya ang mga galos nito sa mukha.at ang tama ng palaso sa dibdib. Batid niyang galing sa marangyang pamilya ang Ginoo dahil bakas sa kasuotan nito na ginagamit lang ng mga may kaya sa buhay.



Sinuri niya pa ang iba, tinignan niya ang mga pulso nito ngunit pito lang ang naramdaman niyang buhay. Mabilis siyang nagtungo sa nayon nila at humingi ng tulong sa ibang taong naroroon. Nang makahingi ng tulong mabilis nilang tinahak ang daan patungo sa ilog.


"Mga tulisan na naman siguro ang may gawa ng mga ito." Saad ni Ginoo lakas, bakas ang awa sa mga mata nito habang tinitignan ang mga lalaking nakadapa sa batohan na duguan.


"Kaawa-awa, hindi makatarungan ang kanilang ginawa."


Hindi na sila nagtagal pa at tulong tulong nilang binuhat ang mga lalaking may tyansa pang mabuhay.


"Sige na, inyong ilapag sa papag ang mga iyan." Dinala nila sa tirahan ni Ginang marsela ang mga katawan ng lalaki.


Nang makarating sa kanilang nayon, sinalubong sila ng sunod sunod na katanungan ng mga tao. Ang iba naman ay dumungaw sa kani-kanilang mga maliliit na siwang ng bintana upang tignan kung anong ingay ang nasa labas ng kanilang mga silong. 


"Ano nangyayare anak? Sino ang mga iyan?"
Sa kaniyang likoran naman hindi niya napansin ang kaniyang ina , na nakasunod na pala sakaniya.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now