42

127 5 1
                                    

Halos matamaan ang noo ni siren ng babasaging baso ng batuhin siya ng hari nito. Tahimik naman na nakamasid ang ilang mga kawal sa labas ng silid ng hari. Batid nila ang bigong misyon ni siren kaya alam nila kung bakit sobra ang galit ng hari rito.


"Isa kang malaking tanga! Hindi ba't sinabi kong kitilan mo ng buhay ang babaeng iyon?! Hindi kita pinulot upang maging hangal!" Galit na galit na sigaw ng hari habang binato muli ang babae ng isang bungkos na salaping barya na nakalagay sa isang pitakang tela.

"Hindi ko man nagawang kitilan ng buhay ang babae na iyon kamahalan. Batid ko naman na may iba pang gagawa ng kagaya ng iyong--," hindi niya na natapos ang kaniyang sasabihin ng sumigaw ulit ito.


"Tanga! Lumayas ka sa aking harapan ngayon din!" Mabilis na yumukod ang babae at walang emosyon na lumabas sa malaking silid.

Kumuyom ang kaniyang kamao kung paano siya itrato nito na parang isang hayop o daig pa ang isang hayop. May araw ka rin sa akin Haring hamir.

Mas lalong tumalim ang kaniyang tingin sa kung saan ng maalala niya ang kamalasan sa kaniyang buhay ng babaeng iyon. Kung hindi lamang siya dumating tiyak niyang hanggang ngayon ay isa pa rin siyang babae ng prinsipe. Batid niyang ang babaeng iyon ang nag-udyok sa prinsipe upang mapaalis sila sa palasyo. Na naging dahilan kung bakit napadikit na sa kaniyang buhay ang kamalasan ng babaeng iyon.

Kahit siya ay kating kati na ang kaniyang mga kamay na paslangin ang pangunahing asawa ng prinsipe.

___________


Halos manginig ang katawan ni athena sa lamig habang yakap yakap niya ang sarili at nababalutan ng makakapal na kumot. Ilang araw na ng makaramdam ang dalaga ng panghihina ng katawan at pagkahilo. Wala sa isip niya nalalagnatin siya matapos ang nangyari ilang araw na ang lumilipas. Habag naman ang naging itsura ng mag-asawang matanda ng makita nila ang panginginig ng katawan ng dalaga sa kanilang barong. Kaawa awa ang sinapit nito sa kamay ng mga lalaking pagtangkaan ang kaniyang buhay at gawan pa ito ng kahalayan na mabuti na lamang ay agad nila itong nakita. Kilala nila ang mga taong kasama ng dalaga. Ang kanilang hinuna noong una ay kasamahan nila ito ngunit ng marinig nila ang nagkakasiyahan na pag-uusap ng mga ito ay agad nilang nalaman na wala itong malay at nais gawan ng masama upang makaganti sa isang babae na mukhang hindi marunong manakit. Kaya kataka taka lamang kung bakit ganito nalamang nila nais magantihan ang dalaga na hanggang ngayon ay nakaratay pa rin sa isang papag.


"Ako'y nahahabag sa dalagang ito, arbamo. Ilang araw na ngunit hindi pa rin siya gumigising." Ani ng ginang. Wala man silang anak ng kaniyang asawa ay hindi niya mapigilang maiyak dahil sa sinapit ng dalaga. Duguan ang palda nito ng matulungan nila ito. Hindi pa man niya nakakapa ang pulso nito ay batid niyang nagdadalang tao ang dalaga.

"Marahil maraming lakas ang nawala sa katawan ng dalaga upang matulog siya ng ganitong katagal. Hayaan mo' magigising rin siya gracia. Hintayin na lamang natin kung kailan makakaya ng kaniyang katawan na gumising." Napatango ang ginang habang maluha luha siyang nakatingin sa dalaga.





Isang nakakabinging sigaw ang narinig ng ginang sa isang silid habang nagluluto siya ng kanilang kakainin. Agad niyang binitiwan ang hawak na sandok at mabilis siyang pumasok sa loob. Gulat ang naging itsura niya ng makita ang dalaga na nasa sahig na nagtatangis. Mabilis na niyakap ng ginang ang dalaga. Magulo ang buhok nito habang nakayuko sa mga tuhod at humahagulgol.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now