7

262 25 2
                                    

"Why tapos na ba kayo maglandian ng babae?" Walang ganang sambit ko. Pero hindi nya ako pinansin at tuloy lang sa paghila.

Bakit tunog selos ako?

No way! Its not going to happen.

We're not the same.

"Bitaw nga!" Hindi pa man nakakaabot sa kabayo ng pumiglas ako. Ouch!napadaing ako ng maramdaman ang sakit dahil sa higpit ng hawak nya sa wrist ko.

Huminto sya at binigyan ako ng matalim na tingin. Na agad din napalitan ng pag-aalala ng bumaba ang tingin nya sa namumula kong kamay. Umiwas ako at ibinaba ang kamay.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Kunot noong sabi ko habang lumingon sa pinag iwanan ko sa dalawa.
Nasan na sila?

Luminga linga ako sa paligid ng hindi ko makita si madi at yung guy.

Ayun!

"Madi!" Tawag ko sa pansin nya ng makita sya nakaupo kasama ang lalaki sa may maliit na kainan. Sinabi ko kasi na sumama sya dahil gagamutin ko yung sugat nya.nung una ayaw nya pero kalaunan ng pumayag sya rin sya. Lumapit sila akay akay ni madi ang lalaki. papalapit sila sa gawi ko.


"Tara. Pero sandali may kakausapin lang akong importanteng tao sa buhay ko." Nakangising saad ko habang nakatitig sa mata ng prinsipe at nagcrossed arm.

Ngunit sinuklian nya lang ako ng seryosong tingin. tss hindi man lang mapangiti ang isang to.

Narinig kong nagsasalita sya kanina pero hindi ko narinig.

"May kailangan kaba sakin mahal kong prinsipe?" Ramdam ko naman sa gilid ko ang pagkagulat ng lalaki. Ngunit hindi ko sya pinansin.

Kita ko ang pamumula nya at pilit na pinaseseryoso ang mukha.

"Tumahimik ka.huwag mo akong pikunin athena." Galit na naman na saad nya. Matamis ko syang nginitian pero ang reaksyon nya hindi parin nag babago.

Sungit

"Fine, Maiwan ka na dyan. May sarili kaming karwahe. Isasama ko sya dahil gagamutin ko ang sugat nya." Inis na sabi ko at tatalikod na sana ng higutin nya ang kamay ko at binuhat ako na parang isang sako ng bigas. Napatingin naman samin ang mga namimili.

"Put me down zayus! Ibaba mo ako kung ayaw mong asarin ko lahat ng babae mo! Ano ba!" Nahihirapan na sabi ko dahil parang yung dugo ko ay pumupunta sa ulo.

"Tumahimik ka babae." Seryosong saad nya. Nangmakarating sa kabayo. Isinampay nya ko sa harap na parang isang damit. At sunod sumakay sya. Sinabihan nya muna ang mga kawal na pasunurin sila madi ilang sandali ng halos malagutan ako ng hininga ng mabilis na tumakbo ang kabayo.

Shit!shit!shit!

"Tangina! ZAYUZ! shit ka!" Sigaw ko. Rinig ko naman ang makalaglag panty na tawa nya.

Shit! Nahihilo ako.

Grabe anong kala nya sakin pig?

Switched SoulsWhere stories live. Discover now