2

316 26 0
                                    

"Bakit hindi pa rin sya gumigising?"

"Kumalma ka kamahalan, baka napagod ang katawan nya."

"Kasalanan ito ng pangalawang asawa ng prinsipe ina. Tinulak nya si athena sa sapa."

Kahit nakapikit rinig ko ang mga nag uusap sa gilid ko. I dont know if im dreaming or what. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Mabilis akong napatakip sa mata ng masinagan ng araw.

Mabilis naman hinawi ang kurtina ng isang lalaki. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Kumunot ang noo ko dahil sa mga kakaibang gamit. Hindi ito ang kwarto ko nasan ako?

Nilibot ko pa ang tingin at nahinto sa lalaking nasa likod na masama ang tingin sakin. He has a blue eyes , thick and long ayelashes... Thick eyebrows. Sharp pointed nose , even he's lips... i want to taste...

Damn the guys was hot.

He had that face of authority and charisma.

Napaiwas ako ng tingin ng parang mas lalong sumama ang tingin nya sa pagtitig ko.

Nabigla ako ng yakapin ako ng isang babaeng may edad.

The heck?

"Anak, mabuti nalang at nagising kana." Ani nya habang umiiyak.

anak?

"Magsalita ka anak, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Saad naman ng isang lalaking may edad.

Hindi ko maintindihan bakit alam nila ang pangalan ko?

Pero hindi ko naman sila kilala.

""W-ho are you guys?" Utal na saad ko habang isa isa silang tinignan. Nanlaki naman ang mga mata nila na hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Ano ang ginamit mo na salita athena?" Kumunot ang noo ko.

English?

Bakit ba ang dami nilang tanong?

"Teka, sino ho ba kayo? Nasan ako ? Bakit ako nandito at paano nyo nalaman ang pangalan ko?"  Kunot na kunot at sunod sunod na tanong ko. Nagkatingin naman sila pati ang lalaking may blue na mata ay nakakunot narin.

Ang isa naman na babae sa gilid ko ay umiiyak parang kaedaran ko lang.

Ang natatandaan ko lang ay ang isang babae na pilit akong pinapatalon sa bangin.

"Nasan na sya?" Sambit ko sa kanila. Kita ang pagtataka sa mukha nila. Na lalong nag painis sakin.

"Yung babaeng pinatalon ako sa bangin? Nasan na sya?" Sigaw ko.

Bakit ang tatanga nilang kausap!

Fvck!

"Nandito ako binibini. Ngunit ano ang iyong sinasabing pinatalon sa bangin? Aksidente lamang ang nangyare." Saad ng babaeng mukhang maldita na kakapasok lang sa kwarto.

Tumabi sya sa lalaki na blue ang mga mata. Tumaas ang kilay ko sa kanila. At dahan dahan na tumayo. So sya pala yung babaeng tawag ng tawag sa pangalan ko at pinatalon ako sa bangin?

Switched SoulsWhere stories live. Discover now