5

250 24 4
                                    

Alas tres ng hapon ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ito at nakita si madi na dala ang damit na isusuot ko.

Naisipan ko kasing lumabas. Nalaman kong may palengke pala rito. Pamilihan bayan ang tawag nila.

"Dala ko na po ang kasuotan na gusto nyo binibini." Nakangiting sambit nya ng makapasok. Kinuha ko ito sa kanya at niladlad.

Great, pwede na.

Color purple sya , may mga palibot sa buong long dress na kumikinang na lalo nagpaganda. At Hanggang sakong ang haba. Manipis at pavneck style. Ganito ang gusto kong long  dress Hindi yung mabigat na lagi kong nakikita sa kanila.

Kita ang curve ng katawan ko. Nalaman ko kasi na may sariling tahian ang palasyo, kaya nagpagawa ako.

Ayaw panga ni madi dahil kakaiba raw at hindi raw angkop sa isang katulad kong prinsesa ang magsuot na kita ang hubog ng katawan.

Pero hindi ko pinakinggan ang sinabi nya,at tinuloy ko parin ang gusto ko.

Ilang minuto lang ng matapos akong mag ayos. Tinignan ko ang sarili sa wholebody mirror.

"Tara na." Excited na sambit ko tumango sya at sumunod.

"Saan po ang tungo natin mahal na prinsesa?" Tanong ng kawal ng makalapit kami.

"Sa pamilihang bayan." Sambit ko naman tumango sya at tinawag ang tatlong kawal na papalapit sa gawi namin. Kumunot ang noo ko

"Bakit mo sila tinawag?"

"Kailangan po ng mag babantay sayo mahal na prinsesa." Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa karwahe kasama si madi.

Sumilip ako sa maliit na bintana ng marinig ang mga maingay na paligid.

Madaming taong namimili. Maraming mga tindahan sa magkabilang gilid ng kalsada.

Dito na yon?

Nang huminto ang karwahe sa gilid. Bumaba nako kasunod si madi. Sumunod naman samin ang tatlong kawal.

Luminga linga ako sa paligid at nagtitingin ng mga pwede bilhin.

Napadako ang mata ko sa tindahan ng mga bracelet. After a while ,I went there and i saw a pair knitted bracelet , Black and white color. Tinignan ko ito at Mayroon syang pendant na moon sa white , in the black it was a sun made of steel and  I think you can engrave it with your name. It is simple but elegant.

I want this.

Kumapa ako sa bulsa gamit ang kaliwang kamay. Kumunot ang noo ko. Pinapanuod naman ng matanda ang kilos ko.

Napahinto ako ng mapagtantong nakalimutan ko na wala pala akong pera!

Tumikhim ako at ngumiti sa tindero.
"Pwede pong palagyan ng pangalan?" Nagpalipat lipat naman ang tingin nya sa hawak kong bracelet at sakin. Ilang segundo ng tumango sya at sinabi ko naman ang pangalan na ilalagay.

"Kailangan mo itong balikan ng matapos ang dalawang oras." Sambit nya tumango ako at umalis na.

Tangina!
Napahawak ako sa batok at bakas naman kay madi ang nagtatakang mukha.

Switched SoulsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant