6

252 25 1
                                    

"Darating ka ba ulit bukas sa ating kasunduan mahal na prinsipe?" Hindi ko maintindihan ang sarili. Simula magbago ang ugali ni athena ay para bang lagi na syang pumapasok sa aking isip na hindi naman nararapat.

Lahat ng kakaibang kilos o galaw nya ay tumatatak sa isipan ko. Ang pagsubo nya sa akin na ginawa nyang tinapay ay kakaiba. Walang sino man ang gumawa sa akin noon kung hindi sya pa lamang.

Ang pagsugod nya kay ariela na pangalawang babae ko. Hindi nya lamang sinugod, sinira nya pa ang aking bigay na kasuotan. Kakaiba....

Hindi ko tuloy mawari kung sya pa ba ang athena na hindi ko kailanman  nagustuhan.

Ang babaeng athena na lahat nalang ng nais ay nasusunod. Lahat ng bagay ay nakukuha gamit ang mga magulang. Inaamin ko sa aking sarili na hindi ko nais mapangasawa ang ganon pag uugali ng isang babae. Kaya mas lalo pa akong nagalit ng malaman na ikakasal ako sa kanya.

Kinamumunhian ko sya araw araw , gabi gabi. Kahit sa aking panaginip. Kahit araw araw syang umiiyak dahil sa pang aaway sa kanya ng aking mga babae ay hindi ko sya pinapansin. Hinahayaan ko lamang dahil nais kong bumalik sya kung san man sya nanggaling.

Nagalit rin ako sa aking ama na isang emperor rito sa bansa na aking kinalakihan. Dahil sa pagkakasundo nya sa amin ni athena.

Ngunit simula ng magising sya sa pagkalunod sa sapa. Para bang nagbago ang lahat. Marunong na syang harapin sila siren. Sya na mismo ang unang nanunugod. Hindi na sya ang babaeng walang ibang ginawa kung hindi umiyak sa isang kwarto.

"Prinsipe zayus..." Napakurap ang aking mga mata dahil sa pagtawag sakin ni ciera.
Ngumiti ako sa kanya at nilagyan sya sa kanyang mangkok ng karne.

"Kumain ka ng marami." Hayag ko habang sinimulan narin kumain. Napangiti ako ng makitang masaya syang kumakain.

Si ciera ay isang kababata ko. Malapit kami sa isa't isa. Noong mga bata kami ay napagkasunduan namin na sya ang aasawahin ko. Lagi kaming magkasama sa lahat.

Nababatid nya na kinasal ako sa babaeng hindi ko naman ninais na makasama. Munit hindi nya pa nakikita ang babae na naging asawa ko.  Nababatid nya rin ang aking nararamdaman sa dalaga. Lahat ng akin ganap sa buhay ay nalalaman ni ciera. Dahil napagkasuduan namin ang aming mga suliranin sa buhay na ipapaalam sa isa't isa.

Subalit ang pangarap nayon ay hindi natupad. Dahil sa isang babaeng walang kabutihang asal. Ngunit ngayon sisiguraduhin ko na magiging asawa ko rin sya at hindi isang babae lang ng prinsipe. Lahat ng akin babae ay papaalisin ko sa palasyo ganun rin ang aking pangunahing asawa.

"Sa tingin ko ay nagkakagulo sa labas prinsipe zayus. Nais ko sana silipin." Lumingon ako sa labas ng makita ang mga tao nagkukumpulan.

"Kumain ka pa , hayaan mo sila. May mga kawal akong naka bantay rito." Nakangiting tumango nalang sya at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko magawang kumain ng matiwasay dahil sa mga taong nasa labas na maiingay.

Maya maya nagpaalam si ciera na tutungo sa lababo.

"Umalis ka rito binibini kung ayaw mong isama kita sa lalaking yan." Kung malaman nila na ang prinsipe ay kumakain rito nasisiguro kong hihilingin nilang kitilan sila ng buhay. Gayong naiistorbo ang pagkain ko.

Switched SoulsKde žijí příběhy. Začni objevovat