Kamusta ka?

30 0 0
                                    

Tila hindi ka na nakikita?
Ilang araw o buwan na ba?
Nagtatago o sadyang ayaw lamang pagtagpuin ng tadhana?
Kahit sa pasilyo ay nagkakaiwasan na

Kamusta ka?
Kamusta ang pahingang wala ang mga mensahe mula sa akin upang kamustahin ka?
Umuurong ang mga daliri sa pagtitipa ng mga letra
Ramdam ng bawat ugat sa aking kamay ang inis na iyong nadarama
Sa tuwing mayroong mensaheng mula sa babaeng hindi mo kilala

At ako iyon
Sa likod ng pekeng pangalan at takot na matuklasan ang mukha ng babae sa likod ng palpak na engkantasyon
Nais kang gayumahin upang ibigin ako
Pero batid kong walang tamang panahon upang gawin iyon

Kung para sa akin ka'y alam kong gagawa ng panahon ang langit at lupa
Batid nating hindi iyon magaganap kahit pa tuluyan nang maubos ang luha

Kamusta ka?
Hindi na yata naglalagay ng kahit ano mang litrato sa sosyal medya?
Naghihintay ako
Agad magre-react ng 'care' sa kahit ano nang litrato

Alalahanin sana ang binibining iyong nakatabi
Sa ingay ng paligid at nakakalulang gabi
Kailan kaya muli?
Kailan ka ulit makakatabi kung sakali?

Nais kong matawa
Parang kailan lang nang sabihin kong kailanman ay hindi magkakagusto sa isang ginoong malamig pa sa yelo
Bumaliktad yata ang mundo
Ngayon ay imbis maglaho ay mas lalo lamang lumalim ang epekto




— sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now