Ilusyon

33 0 0
                                    

Ito'y kakabitan na lamang ng mga pekeng alaala
Simula ngayon ay gagamit na ng mga may kabuluhang pagtatagpi-tagpi ng mga letra
Bubuo ng mga pangyayaring hindi mangayayari sa totoong buhay
Iyon ay ang tuluyang mahawakan ang iyong mga kamay

Hindi matandaan kung anong araw
Ngunit nangyaring dumaan ka habang pauwi
Nilingun ang aking puwesto sabay kaway at ngiti
"Paalam" sabay sabing "Kita nalang tayo bukas"
"Kikitain ka sa harap ng tarangkahan"
Siguro'y lulundag paalis ang puso kung sakali mang makatotohanan

Bitbit ang bag ay sabay maglalakad pauwi
Patitilain ang ulan ngunit ang totoo'y gusto lamang nating manatili
Magkuwentohan tungkol sa pangyayari sa buong araw
Abutin man ng gabi o kahit patay-patay ang ilaw

Sa harap ng posteng ating kinatatayuan
Kung maaari lang ay magsasayaw sa ulan
Gagawing saksi ang mga tala at buwan
Ulap at bituin kung mayroon man

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now