Laro

81 2 2
                                    

Sa tuwing pumapatak ang hapon ay inaasahan kong makita ka
Sa malawak na bahagi ng paaralan kung saan marami kang kasama
Hawak mo ay bola
Malakas ang iyong tawa habang nagbibiro siya
Bago magsimula ang laro ay pinapanood kita
Sa bawat pagtapos ng set ay sisigaw "Go!" Para iparating na hayaan mo sila

Lilingun ka sa gawi ko
Sapat na iyon upang mapatunayang kahit papaano'y napapansin mo na 'ko
Pero sisingit siya sa eksena
Haharangin niya ang iyong mga mata sabay sabing "Halika na!"

Kay sarap sigurong makausap ka nang malapitan
Marinig ang iyong boses at masilayan ang mga matang walang bahid ng kasamaan

Pero sa bawat laro ay hanggang singit lang sa kumpol-kumpol na mga tao
Para lang makita kang ginagawa ang bagay na ikinasasaya mo
Bawat hampas sa bola sabay ngiti
Titingin ka sa kanya habang ako'y lunod sa pighati

Sa bawat laro
Ay papanoorin ka sa malayo
Sapagkat ito lang ang tanging puwesto
Na alam kong nararapat
para sa isang tulad ko

-sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now