Sandali

49 2 0
                                    

Sandali, bakit tila sinasadya ng panahon na makita ko iyon?
Uno na siyang tatak sa kasuotang pareho kayong mayroon?

Teka, bakit parang may kirot sa dibdib?
Pinagmamasdan kita habang isinisigaw ang pangalan niya sa gilid?

Nagkasalubong ang inyong mga tingin,
Ngunit alam kong hindi iyon kagaya ng sa atin
Masyadong malalim kung sisisirin ang inyo
Samantala kasing babaw ng sapa ang atin kung titignan mo

Sandali, ngunit ramdam ko ang pag-ayaw sa akin ng tadhana
Sinasampal yata ako ng katotohanang walang alinman sa ginawa ko ang tama

Na pati ang pagkahulog sa 'yo ay malaking pagkakamali
Sandali . . . nalilito na kung alin ba ang oo sa hindi


—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon