Ingay

34 1 0
                                    

Ingay ng mga sasakyan
Tunog ng bawat busina
Matinis na sigawan
Ang hindi ko kinakaya

Ngunit nariyan ka
Tinig mo ang nagsilbing musika
Sa maingay na paligid
Ang iyong boses ang nagsisilbing panghalina

Ingay ng bawat sasakyan
Usapan ng bawat taong dumadaan
Nariyan ka
Sa aking harapan
Inaalis ang takot na aking nararamdaman

Ikaw ang pinakamagandang ingay
Para sa aking tenga
Ang pinaka kalmadong musika
Makapangyarihan ang iyong presensiya

Ingay
Busina ng mga sasakyan
Sigawan sa paligid
Boses mo lamang ang tiyak na kalalagyan
Ng bawat takot na dahan-dahang naglalaho
Sa lilib ng maingay na kulungan


—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitOnde as histórias ganham vida. Descobre agora