Siguro nga

29 0 0
                                    

Siguro nga,
Nagkamali lang ang tadhana nang mahulog ang loob ko sa 'yo
Siguro nga,
Nalihis lang ang palasok ni kupido,
Siguro nga,
Hindi sinasadyang nabagot lang ako
Siguro nga,
Masyado pang maaga para masabing in love ang isang tao
At siguro nga,
Masyadong maaga para maramdaman ko iyon sa 'yo

Ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit mas makasakit ang hindi sinasadya
Kaysa sa inaasahan mong mangyayari?
Bakit palaging nararamdaman ng isang tao na magandang gawin ang alam nating mali?
Hindi makatuwiran
Magulo, minadali
Bakit natin nagugustohan ang mga taong hindi magagawang manatili?

Pero siguro nga,
Tama sila nang sabihin nila sa aking masyado akong nagmahal
Masyadong nagtiwala sa oras hindi maibabalik at hindi rin naman babagal
Siguro nga,
Masyado akong nagmadali
Kung kaya't umabot na sa puntong hindi na kaya pang gawing tama ang mali




—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitDonde viven las historias. Descúbrelo ahora