Bakit hindi?

22 0 0
                                    

Palabas ng pintuan nang makasalubong ka
Umagang tapat ngunit nag-aalab ang iyong mga mata
Batid kong kailangan ko na sanang humakbang sa gilid upang padaanin ka
Pero huli na ang lahat ng lumagpas ka sa akin at pumunta sa kanya

Bakit hindi?
Bakit hindi ako?
Bakit noong may magkakataon tayo ay mas pinili mong lumayo?
Batid ko namang nais mo rin pero bakit hindi mo tinuloy?
Kung sana'y tinanong mo ako hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy

Bakit hindi?
Tamang parinig na lamang ba?
O hindi naman talaga para sa akin ang mga pagpaparinig na iyon kundi para sa kanya?
Kung gusto ka ng binibining iyon, sinta gusto rin naman kita!

Bakit hindi ako?
Ano?  Mas lamang na naman ba siya?
Nasa kanya na naman ba lahat ng bagay na hindi mo mahanap sa iba?
Wala sa akin?
Ano pa?

Ano pa nga ba?

Kay liit ng apat na sulok ng silid sa paaralan
Nasa kabilang dulo ako habang ika'y nasa unahan
Sa tuwing tititigan ka'y wala ka bang nararamdaman?
O napapansin mo ngunit mas piniling magbulag-bulagan lang?

Bakit nga ba hindi?
Sinta, kung ako lang ang papipiliin ay walang kasama ang iyong pangalan sa listahan!
Kung lalagpasan ako sa pintuan nang walang imik para mo na rin akong binura sa iyong buhay nang tuluyan

Ngunit kung hanggang doon lang ay wala na tayong magagawa
Bakit hindi?
Kasi alam nating pareho na iyon ang tama





—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now