Talaga

39 2 0
                                    

Talaga nga naman
Sinusubok nga yata ng tadhana ang aking nararamdaman
Panibagong babae ang alam kong ngayon ay bumihag sa iyong puso
Kay bilis naman yata?
Iyong nauna?
Kakahiwalay niyo lang!

Ang bilis
Talaga nga naman
Muli, kung ano ang mayroon siya sa akin ay kabaliktaran
Paano maging siya?
Paano maging isang taong mapapabihag ka?
Paano maging ideyal na babae sa iyong mga mata?

Pikit-mata na lamang
Ano ba'ng laban sa isang binibining isinilang nang halos perpekto at hindi salat sa yaman?

Talaga nga naman
Kailan makakatagpo ng perpektong pag-ibig?
Bakit kung kailan ka magmamahal ay saka ka pa lamang maiipit sa napakasakit na bitag?!


—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon