Panaginip

30 0 0
                                    

Nais ko nang makalimot ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro
Habang inaalis ang iyong maamong mukha sa isip
Ay dumalaw ka nang bigla sa aking panaginip at nakangiting naglalaro

Panaginip
Animo'y isang bitag
Kung kailan nais nang tumahan
Ay saka pa sa problema'y daragdag

Ikaw na yata ang pinakamagandang problema na aking natanggap sa pagsisimula ng bagong taon
Ang inaka ko'y mauuwi sa paglimot ay hindi nagawa nang lumaon

Madaya
Nais ko'y makalimot na
Sapagkat ang pinakainiingat-ingatang pag-asa'y naglaho na

Panaginip
Dalawang magkasunod na gabi'y ikaw ay naroon
Ngayon sabihin mo sa akin kung paano ka magagawang limutin gayong
Paborito akong paglaruan ng panahon?




—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now