Liwanag ng buwan

24 0 0
                                    

Abril, 27, 2024
9:49pm

Sinta, natatanaw mo ba sa mga oras na ito kung gaano kaliwanag ang buwan?
Halika't sabay nating pagmasdan
Ika'y tumayo mula sa higaan at tumanaw sa bintana ng iyong kuwarto
Kung saan ka nakatingin ay naroon din ang mga titig ko

Sinta, napapansin mo ba?
Kung tititigan mo ay sa puti nito ay mayroong itim na mga mantiya
Hindi rin daw bilog ang buwan naniniwala ka ba?
Kung tutupad ito ng panalangin kagaya ng mga bituin ay hihiling ka rin kaya?

Pagmasdan mo, walang mga bituin sa kalangitan ngayon
'Di kaya'y katulad ko'y may pahinga rin ang mga ito at bumabalik sa ibang pagkakataon?
O 'di naman kaya'y nagtatago dahil mayroong parating na ulan?
Magtatago rin kaya ang buwan?

Liwanag ng buwan
Ito'y aking pinagmamasdan habang isinusulat ang piyesang ito
Sapagkat hindi ko inakalang makakabuo ng may tonong kuwento
Sa pamamagitan ng buwan at alaala mula sa iyo




—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now