Gaano ako katapang?

32 0 0
                                    

Gaano ako katapang? Hindi kita ipaglalaban
Hindi ako gagawa ng paraan para piliin mo
Hindi kita kukumbinsihing ipagtanggol ako
Hahayaan kitang talikuran ako
Kung hindi mo talaga kayang hawakan ang mga kamay ko upang sabay tayong tatakbo
Ay ganoon ako katapang upang hindi ka ipaglaban

Naubos na ang lakas sa pagdepensa
Makailang ulit nang ipinagtanggol ang pangalang may labindalawang letra
Kung hindi ako ay hahayaan kita
Matapang ako at hahayaan kang magpunta sa kanya

Gaano ako katapang?
Hindi kita ipaglalaban
Hindi kita kukumbinsihin
Hindi kita pipilitin
Kasi kung ako ay ako talaga
Matapang ako
At ang taong matapang
Ay hinahayaang pakawalan ang taong minamahal nila



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now