Saka na

22 0 0
                                    

Pinili kong manahimik
Hindi dahil nasasaktan ako
Saka na sasabihin kapag tuluyan nang sigurado
Batid ko namang kung anong mayroon ngayon ay hindi na iyon mababago
Batid ko rin na kung paano nagsimula ay ganoon din matatapos

Saka na siguro kapag hindi na magulo
Kapag naayos na ang gulong alam kong sinimulan ko
Ako
Ako ang may kasalanan
Sinundan ko ang desisyon ng puso kahit pa ko nang hindi maganda ang patutunguhan
Pero
Saka na siguro lalaban
Kapag sigurado nang may panghahawakan
Hindi na nais mapahiya
Saka na lang siguro

—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now