Umuulan na naman

20 0 0
                                    

Umuulan na naman
Kung nasa labas ka'y may dala bang payong?
Sa bawat patak ng luha mula sa langit ay para itong simbolo ng pagdaong
Animo'y unang araw nang malaman ko ang iyong pangalan
At unang pagkakataon nang ika'y masilayan

Ngunit hindi na tayo kagaya ng dati
Umuulan ngunit hindi na nito maibabalik ang dating nangyari

Mayroong kalakasan ang bugso ng hangin
Nililipad ang mga natutuyong dahon
Ngunit kung ika'y nasa loob ng inyong palasyo ay hindi mo makikita ang nakikita ko ngayon

Umuulan
Ngunit huminto na
Uulan pa kaya muli?
Kung sakali ay lalabas ka ba upang maligo kasama ako?







—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon