Kabilang Dulo

29 0 0
                                    

Tayo'y nasa pagkabilang dulo
Hindi pantay na mundong wala ang presensiya ko
Kabilang dulo na nahahati sa langit at lupa
Maari ring sa taas at ibaba
Ngunit parehong hindi ka maabot o makukuha

Ako ang lupa
Titingalain ka mula sa ibaba
Ikaw ang langit na titingalain siya sa kalawakan
Lugar na kahit malakas na alon ay hindi ito matatamaan

Walang papantay sa kanya, 'di ba?
Sapagkat nasa kabilang dulo siya kung saan maaabot ng iyong mga mata
Maaabot din sana kita
Kung sana'y ako ang nasa puwesto niya

Kabilang dulo
Na may isang pader na harang
Malawak, matayog, mahirap gibain
Na kahit anong abot ng aking mga tingin ay hindi ka maaangkin

Hihiling
Kung sakaling may mahulog na bituin ng pag-asa mula sa 'yo
Ngunit ang inakala kong para sa akin ay bato lamang pala mula sa kalawakan kung saan naroon ang minamahal mo
Inihulog ito para ipaabot sa akin ang isang mensahe

"Hindi mo maaabot sapagkat malayo ang distansiya
Sinadya ang lapit niya para sa akin dahil ako ang nakatadhana sa kanya
Ikaw ay tubig lamang na hindi nararapat sa amin
Isa ka lang alipin sa mundong kami ang siyang nag-aangkin"

Kanyang iniirog,
Kalawakan



— sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now