Sana Bukas

75 3 1
                                    

Sana bukas hindi na masakit
Iniisip ko pa lang na wala nang pag-asa'y namimilipit na sa pait

Hindi patas ang tadhana
Marumi kung maglaro ang panahon
Bakit hindi man lang ako . . . binigyan ng pagkakataon?

Kaya kong maging siya!
Mamahalin din naman kita nang mas higit pa!
Pero ang gandang mayroon ang babaeng 'yon ay tila mahirap gayahin
Kaya mo siguro siya nagustohan dahil mas lamang siya sa akin

Kaya ko rin namang maging maglalaro tulad niya
Bakit ba sobrang hirap para sa 'yo na isantabi siya?

Haha! Nakakabaliw 'to!
Bakit ko ba naisip na gagawin mo 'yon
Na kahit kailan hindi naman ako naging parte ng mundo mo?

-sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now