Subalit

53 1 0
                                    

Subalit hindi maaari
Kahit anong paghingi ng atensiyon ang gawin
Sadyang hindi nga siguro nararapat para sa  prinsipe ang isang alipin

Subalit paano?
Kung sakaling susubukan?
Paano tatawirin ang tulay ng karapatan kung ang aapakan ko'y hangin sa kawalan?

Pag-asa'y unti-unting nagiging abo
Sinubukan kung buoin ang nabasag na salamin ngunit sugat lamang ang siyang nabuo
Kailan nga ba magiging makintab ang bitak-bitak na bato?

Hangga't hindi mo nalalaman ay mananatili ang pag-asa
Hangga't wala pang desisyon ay mananatiling pipila sa linya
Mananatili sa puwesto
Hindi aalis
Hinihintay na banggitin ang aking pangalan upang agad na makalapit
Sa prinsipeng hangad ng lahat
Ang prinsipe ay ikaw
Na hinihiling ko'y sana sa akin ay nararapat


—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon