Sulat Kamay

28 0 0
                                    

Sulat kamay
Sing ganda ng mga hugis ng tala sa langit
Dampi sa balat
Na animo'y kuryente mula sa langit
Mga mata
Na palasok na nakakabit sa pana
Iilang pag-asa
Na naglalaho sa tuwing nakikita ang iyong madalas na pagnakaw ng tingin sa kanya

Sulat kamay
Dampi sa labi
Mga mata
Init ng titig
Mga salita
Tinutulak pabalik
Mga hakbang
Palayo palapit
Paatras pasulong
Paghingi ng tulong
Paano tuluyang kakalimutan
Kung sa panaginip ika'y nananahan



— sane



Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now