Isa, Dalawa

34 1 0
                                    

Isa, dalawa
O baka umabot ng tatlong pulgada
Mata sa mata
Sinta, maaari bang yakapin ka?

Hindi maintindihan
Paano natutong magsalita ang iyong mga mata?
Paano mo nagawang patigilin ang oras sa pamamagitan lamang ng mga salita?

Isa, dalawa
Maaari bang ako nalang?
Tatlo, apat, lima
Sa paanong hugis mo nakikita ang aking mukha?

Anim, pito, walo
Hugis ba ng pag-ibig
O
Pagkatalo?

Siyam, sampo
Balik sa
Isa, dalawa
Paano ka ba makukuha?


—sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now