Tricycle

24 1 0
                                    

Ito ay panibagong yugto para sa panibagong tao

Kanina lamang sakay ng tricycle ay ginulat ang aking kaluluwa
Gulat man habang sapo ang dibdib ay masaya nang napatawa ka
Parang bumagal ang takbo ng oras
habang nakatitig lamang sa iyo
Nang gulatin ako'y para bang mga bituin nang kumislap ang mga mata mo

Dapat nga'y magalit, paano kung natabig at nasaktan?
Ngunit dahil ay ikaw iyon ay naglaho ang inis na nararamdaman
Sapagkat ikaw iyon
Parang bagay na dapat ipagpaliban
Magagalit sa iba ngunit sa iyo'y tatawanan na lang din lamang

Kamuntikan nang murahin
Lintik na pana ni kupido
Paano kung imbis maglaho ay tuluyan pang lumalim ang nararamdamang  ito?



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now