Sinasabi ko na nga ba

23 0 0
                                    

Sinasabi ko na nga bang paborito akong laruin ng panahon
Nitong mga nakaraang araw ay tila dumadalas na ang pagtatagpo ng ating landas
Pakiusap sabihin sa akin kung nahahalata na ang pagtingin ko
Kung natutunugan na ba ang mga mahihiwagang salita sa likod ng mga titig sa iyo

Sinasabi ko na nga ba't hindi ako hahayaan ng tadhana
Nang sumulpot ka sa aking likuran tila lalo lamang lumakas ang tama
Mga titig na mababaw ngunit makahulugan
Parang sinasabi sa akin na "Hindi ikaw ang babaeng aasahan kong sa puso ay manahan"
Ngunit kung papahintulutan, bakit hindi?
Subukan natin kung sakali?
Baka naman magbago pa ang isip mo
Baka naman, kahit papaano'y may kaonting pag-asa pa ako


—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now